TNT llamado kontra GlobalPort | Bandera

TNT llamado kontra GlobalPort

Angelito Oredo - August 31, 2016 - 12:10 AM

 

TNT KaTropa

Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. GlobalPort vs
TNT KaTropa
7 p.m. San Miguel Beer vs Meralco
Team Standings: TNT KaTropa (6-1); Barangay Ginebra (6-2); Mahindra (6-2); San Miguel Beer (5-2); Meralco (5-3); GlobalPort (3-4); Phoenix Petroleum (3-4); Rain or Shine (3-4); Alaska (3-5); NLEX (3-5); Star (1-6); Blackwater (1-7);

INAASAHANG babawi ang TNT KaTropa ngayon matapos na makalasap ng kauna-unahang pagkatalo sa PBA Governors’ Cup.
Makakasagupa ng TNT ngayon sa Smart Araneta Coliseum ang nag-aalab na GlobalPort na itataya ang three-game winning streak sa labang ito.
May pag-asa pang makapagtapos sa top four ang Batang Pier pero maglalaho ito kapag nabigo sila kontra TNT ngayon.
Ang TNT ay natisod ng Mahindra noong isang linggo at tiyak na babawi ito ngayon para makasiguro na may twice-to-beat advantage sa susunod na round.
Sa ikalawang laro ay magsasagupa ang San Miguel Beer at Meralco na kapwa naghahangad na makasungkit ng bentahe sa quarterfinal round.
Pakay ng Beermen na makakuha ng panalo para makasalo ang Mahindra at Barangay Ginebra sa pangalawang puwesto.
Hindi naman nalalayo ang Meralco na kasalukuyang nasa ikalimang puwesto na may 5-3 baraha. Kapag natalo ang Bolts ngayon ay tuluyang malalaglag na ito sa top 4. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending