Barangay elections ililipat sa Oct 2017 | Bandera

Barangay elections ililipat sa Oct 2017

Leifbilly Begas - August 30, 2016 - 05:28 PM
house of rep Nagkasundo ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na ikansela ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.      At upang mabilis na maipasa ang batas, susundan ng Kamara ang panukala sa Senado na ilipat ito sa ika-apat na Lunes ng Oktobre 2017.      Sinabi ni House majority leader Rodolfo Farinas na sa halip na joint resolution ang ipasa ng Senado at Kamara, ang aaprubahan ng dalawang kapulungan ay joint bill.      Sa Lunes, sinabi ni House committee on suffrage and electoral reforms chairman at CIBAC Rep. Sherwin Tugna na tatalakayin ang panukala na inaasahang maaprubahan din kaagad.      Sa susunod na linggo ay dadalhin na ito sa plenaryo at aaprubahan sa ikalawang pagbasa.      Sa Setyembre 12 ay posibleng maaprubahan na ito sa ikatlo at huling pagbasa.      Dahil magkapareho ang aaprubahang panukala ng Senado at Kamara ay hindi na ito daraan sa bicameral conference committee at dederetso na sa Malacanang para sa pirma ng pangulo.      Posible naman na sumunod na talakayin ng komite ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin na ang SK at alisin na ang mga kagawad ng barangay na papalitan ng mga purok lider.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending