GM Eugene Torre bibitbitin ang PH team sa 42nd World Chess Olympiad | Bandera

GM Eugene Torre bibitbitin ang PH team sa 42nd World Chess Olympiad

Angelito Oredo - August 30, 2016 - 12:00 PM

AASAHAN ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang malaking tulong na maibabahagi sa Philippine men’s at women’s chess team  ni Asia’s First Grandmaster Eugene Torre sa 42nd World Chess Olympiad na gaganapin sa Baku, Azerbaijan sa Setyembre 1-14.

Sasabak si Torre sa Olympiad sa ika-23 pagkakataon na siya ring record ng torneo. Makakasama niya sa men’s team ang mga GM na sina Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez at Rogelio Barcenilla at si International Master Paolo Bersamina.

“It is a big responsibility given to me by the NCFP looking after the team,” sabi ni Torre.

“We know that a chess match can only be played individually but it is not the thing when you are in the Chess Olympiad, it is about the team. It will be an added pressure for me but mas maganda na magkakasama ang bawat miyembro para sa bansa.”

Ito ay matapos naman magdesisyon ang NCFP na hindi isama ang kasalukuyang Battle of Grandmasters champion na si GM Rogelio Antonio Jr. at italaga na lamang sa pagbitbit sa isang koponan na ipapadala nito sa dalawang malaking torneo sa susunod na buwan.

Bilang kampeon sa Battle of Grandmasters (National Open) ay karapatan ni Antonio na makabilang sa pambansang koponan ngunit taliwas ito sa desisyon ng pamunuan ng NCFP.

“Our president, Cong. Prospero Pichay, will have an official announcement with regards to that and also of the two huge international tournament assigned to GM Antonio,” sabi ni Philippine men’s team non-playing team captain James Infiesto.

Sasabak para sa Pilipinas ang US-based na si Sadorra sa Board 1 habang nasa Board 2 si Gomez. Si Torre naman ay nasa Board 3 habang ang US-based din na si Barcenilla ay nasa Board 4 at si Bersamina ay nasa Board 5.

Target ng men’s team na maabot ang pinakamataas na ika-25 puwestong pagtatapos nito sa naturang torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending