4 players suspendido sa NCAA ‘basketbrawl’ | Bandera

4 players suspendido sa NCAA ‘basketbrawl’

Angelito Oredo - August 30, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
12 n.n. San Sebastian vs Lyceum
2 p.m. JRU vs EAC
4 p.m. St. Benilde vs Letran
Team Standings: San Beda (11-2); Arellano (10-2); Perpetual Help (9-3); JRU (7-5); Mapua (7-5); Letran (5-7); LPU (5-7); San Sebastian (4-9); EAC (3-9); St. Benilde (0-12)

PINATAWAN ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ng matinding parusa kahapon ang tatlong manlalaro ng Letran Knights at isa mula sa San Beda Red Lions dahil sa kanilang pagkakasangkot sa kaguluhan na naganap sa huling laban ng 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City noong Biyernes.

Sinabi ni NCAA Management Committee chair Jose Mari Lacson ng San Beda na pinagtibay ng league board ang desisyon at rekomendasyon ni Commissioner Andy Jao na isuspinde sina Jerrick Balanza, Chris Dela Peña at Marvin Sario ng Letran at si Antonio Bonsubre ng San Beda ng tig-iisang laro.
“The suspension will be served immediately,” sabi ni Lacson.

Nangyari ang bench-clearing incident matapos ang itinawag na offensive foul kay Bong Quinto ng Letran matapos sikuhin si Jomari Presbitero ng San Beda, may pitong segundo na lamang sa laro kung saan nagwagi ang Red Lions, 83-71.

Sinundan ito ni Balanza na pagsiko muli kay Presbitero sa mukha na tinawagan ng flagrant foul na iniangat naman sa disqualifying foul tungo sa isang larong suspensyon.

“Balanza, during deadball, hit the face of Presbitero. Sario and dela Peña entered the court. They did not do anything but obviously it didn’t look well and could exacerbate the situation and the tension,” sabi ni Jao.

Si Balanza, na kabilang sa starters ng Knights, at ang bihirang gamitin na sina dela Peña at Sario ay hindi makakalaro sa laro ng Letran kontra sa wala pa rin panalo na College of St. Benilde Blazers ganap na alas-4 ng hapon habang si Bonsubre ay uupo sa laban ng Red Lions kontra Mapua Cardinals sa Huwebes.

Samantala, asam ng Jose Rizal University Heavy Bombers na mapahaba pa ang pagwawagi nito sa limang sunod upang umangat sa ikaapat na puwesto sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College Generals ganap na alas-2 ng hapon.

Matapos simulan ang season sa 3-5 panalo-talong karta ay nag-init ang JRU para sa apat na sunod nitong panalo tampok ang 68-58 panalo kontra Lyceum of the Philippines University Pirates noong Biyernes upang makisalo sa pinaglalabanang ikaapat na puwesto kasalo ang Mapua na kapwa may 7-5 record.

Masosolo ng Heavy Bombers ang No. 4 spot kung mauuwi nito ang panalo kontra Generals ngayong hapon.

Tulad ng JRU, asam din ng San Sebastian College Stags na mapanatili ang magkakasunod na panalo sa pagsagupa sa Pirates sa kanilang alas-12 ng tanghali na salpukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagawang magwagi ng tatlong sunod ng Stags kontra University of Perpetual Help Altas, San Beda at Mapua matapos na mabigo ng siyam na sunod para sa 4-9 karta at panatiliing buhay ang tsansa sa Final Four.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending