Bakit nakatakas ang Maute gang | Bandera

Bakit nakatakas ang Maute gang

Ramon Tulfo - August 30, 2016 - 12:10 AM

NAPAKA-PRAKTIKAL ang panukala ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na wala nang gamit ang mga barangay kagawad at Sangguniang Kabataan.

Ang mga kagawad at lider ng SK, bukod sa walang silbi ay sumasahod pa, ani Alvarez.

Pabigat pa ang mga ito sa pagpapatakbo ng barangay.

May kasabihan sa Ingles: Too many cooks spoil the broth. Nasisira ang sarap ng pagkain kapag maraming nagluluto ng isang putahe.

Dapat isa lang ang lider sa barangay at iyan ay ang barangay kapitan.

At dahil wala nang mga kagawad at SK sa ilalim ng panukala ni Speaker Alvarez, dapat ang tawag na sa lider ng barangay ay kapitan at hindi na chairman.

Ibig kasing sabihin ng chairman ay pinatatakbo niya ang barangay sa pamamagitan ng konseho o barangay council.

Bukod sa elegante ang tunog, ang ibig sabihin ng katagang kapitan ay siya lang ang lider at wala nang iba.

Ang barangay kapitan na ang siyang makakapaghirang ng kanyang mga tauhan—secretary, treasurer at mga tanod.

Kung namatay si Kap o kaya ay hindi na niya kayang patakbuhin ang barangay, ang mayor ay puwedeng mag-appoint ng OIC hanggang sa susunod na eleksiyon.

Ang panukala ni Speaker Alvarez na ipagpaliban ang barangay election ngayong taon ay nararapat.

Matapos ang madugo, magastos at nagkasakitang national election noong Mayo, bakit kinakailangan na namang magkaroon ng eleksiyon sa Oktubre?

Dalawang eleksiyon sa isang taon, na magkahiwalay ng limang buwan lang, ay sobra na para sa mga botante.

Pagpahingahin naman natin ang mga botante.

Kung sa akala ninyo ay walang bilihan ng boto sa barangay at SK elections, aba’y mahina ang ulo ninyo.

Ang mga kandidato ng barangay election ay gumagastos ng daang libong piso upang silaý maiboto.

Ang mga magulang ng mga kandidato para sa Sangguniang Kabataan election ay ganoon din ang winawaldas na pera.

Tinuturuan natin ang ating mga kabataan na maging corrupt ng maaga dahil sa SK election.

Ang hirap na sinuong ng Army sa paghuli ng lider at mga miyembro ng Maute gang ay nawalan ng saysay matapos makatakas ang mga ito sa Lanao del Sur provincial jail.

Kung ako ang commander ng Army unit na maraming nalagas na sundalo sa pakikipaglaban sa Maute gang, uutusan ko ang ilan sa aking mga tauhan na i-raid ang Lanao del Sur provincial jail, ilinya ang warden at mga guwardiya at pagbabarilin ala firing squad.

Sinasabi sa mga ulat na iniimbestigahan na ang mga jail guards kung bakit hindi sila nanlaban at walang security measures na ipinatupad matapos dumating ang mga high-risk detainees.

Kayo naman, alam na ninyo kung bakit nakatakas.

Ang mga ito ay pinatakas.

Ang warden at mga guwardiya ay mga Maranaw gaya ng mga miyembro ng Maute gang.

Ang mga Moro, lalo na mga Maranaw, ay masyadong magkakadikit sa isa’t isa lalo na kung ang kanilang kaaway ay hindi nila kapwa Muslim.

Dapat natuto na ang gobiyerno sa mga nakaraang pagkakamali nito.

Noong early 1970, kasagsagan ng giyera sa Mindanao, nag-recruit ang gobiyerno ng mga Maranaw upang maging kagawad ng Philippine Constabulary (forerunner ng Philippine National Police).

Ilang buwan silang nag-training sa iba’t ibang kampo ng PC sa Luzon bago sila ipinadala sa Lanao del Sur.

Nang sinalakay ng mga rebelde ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang Marawi City, halos lahat ng mga recruit na Maranaw ay sumama sa MNLF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit? Dahil kapwa nila Muslim ang mga rebeldeng MNLF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending