Globalport Batang Pier naungusan ang Rain or Shine Elasto Painters | Bandera

Globalport Batang Pier naungusan ang Rain or Shine Elasto Painters

Melvin Sarangay - August 28, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Alaska vs Blackwater
6:45 p.m. Star vs Barangay Ginebra
Team Standings: TNT KaTropa (6-1); Mahindra (6-2); Barangay Ginebra (5-2); San Miguel Beer (5-2); Meralco (5-3);  Globalport (3-4); Phoenix Petroleum (3-4); Rain or Shine (3-4); NLEX (3-5); Alaska (2-5); Star (1-5); Blackwater (1-6)

IPINAGPATULOY ng Globalport Batang Pier ang mahusay na paglalaro lalo na patungo sa crunch time matapos maungusan ang Rain or Shine Elasto Painters, 101-99, sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup elimination round out-of-town game sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City, Albay kahapon.

Gumawa si Terrence Romeo ng 33 puntos para pangunahan ang Batang Pier na umangat sa 3-4 kartada matapos makubra ang ikatlong sunod na panalo.

Kumamada naman si Dior Lowhorn ng 21 puntos para pamunuan ang Elasto Painters na nahulog din sa 3-4 karta matapos malasap ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Samantala, tatangkain ng Barangay Ginebra Kings na muling makisalo sa ikalawang puwesto sa pagharap sa Star Hotshots sa alas-6:45 ng gabi na main game ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bago ang salpukan ng Kings at Hotshots ay magtutuos ang Alaska Aces at Blackwater Elite sa opening game ganap na alas-4:30 ng hapon.

Ang Barangay Ginebra ay magmumula sa 101-87 panalo kontra Rain or Shine noong nakaraang Linggo.
Pinamumunuan ni Justin Brownlee ang Kings at sinusuportahan siya nina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Solomon Mercado, Joe Devance at Chris Ellis.

Ang Star ay manggagaling naman sa 85-69 kabiguang sinapit sa kamay ng Alaska sa kanilang out-of-town game sa Panabo, Davao del Norte nitong nakalipas na dalawang Sabado.

Pinangungunahan ni Joel Wright ang Hotshots at makakatuwang niya sina Ryan Roose Garcia, Mark Barroca, Marc Pingris, Peter June Simon at Justin Melton.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending