Sulat mula kay Rodel ng Barangay 2, San Francisco, Agusan del Sur
Problema:
1. Sa ngayon ay balak ko ng mag-resign sa pinagta-trabahuhan kong agency bilang security guard dahil mababa ang suweldo at kapos na kapos na sa pangangailangan ng aking pamilya. Iniisip kong mag-resign at kapag nakakuha ako ng malaking halaga kasi matagal na rin po ako dito sa agency, ang pera na makukuha ko ay magagamit ko sa binabalak kong pangingibang bansa. Itatanong ko lang sana kung tama ba ang desisyon kong mag-resign at mag-aplay na lang ako sa abroad?
2. May magandang kaya akong kapalaran sa abroad at kung may roon kalian naman kaya ako dapat mag-aplay para siguradong makaka-alis ako? April 10, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Rodel ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustraion 2.) ang nagsasabing sa susundo na taong 2017 ka pa susuwertehin makapag-abroad at ito ay posibleng maganap sa buwan din ng Abril matapos kang magdiwang ng ika-35 mong kaarawan.
Numerology:
Ang birth date mo namang 10 ang nagsasabing para mas mabilis kang maka-alis sa sandaling nag-aaplay ka na, lakarin mo ang iyong mga papeles tuwing sasapit ang petsang 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28 upang mas madaling pumabor sa iyo ang magagandang kapalaran.
Luscher Color Test:
Tuwing mag-aaplay at sa tuwing mag-aayos ng iyong mga papeles, laging isuot ang mapalad mong kulay na pula, dilw at berde. Sa nasabing mga kulay susuwertehin ka at sa sandaling makapangibang bansa ka paulit-ulit ka ng makapag-aabroad.
Huling payo at paalala:
Rodel ayon sa iyong kapalaran, may panahon ang lahat ng pangyayari sa silong ng langit, at masasabing sa taong ito ng 2016, hindi pa ito ang eksaktong panahong upang ikaw ay makapag-abroad. Sa halip, mas mainam kung sisimulan mong mag-aplay sa susunod na taong 2017 sa pagpasok na pagpasok palang ng Enero at makikita mo kapag ginawa mo iyan at sinunod ang iba pang mga rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa edad mong 35 pataas sa buwan ng Abril sa taong 2017, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. At ang pag-aabroad na ito ang siya na rng magiging simula upang tuloy-tuloy na umasenso at umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.