Kailan makapag-aabroad? | Bandera

Kailan makapag-aabroad?

Joseph Greenfield - August 27, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Rodel ng Barangay 2, San Francisco, Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa ngayon ay balak ko ng mag-resign sa pinagta-trabahuhan kong agency bilang security guard dahil mababa ang suweldo at kapos na kapos na sa pangangailangan ng aking pamilya. Iniisip kong mag-resign at kapag nakakuha ako ng malaking halaga kasi matagal na rin po ako dito sa agency, ang pera na makukuha ko ay magagamit ko sa binabalak kong pangingibang bansa. Itatanong ko lang sana kung tama ba ang desisyon kong mag-resign at mag-aplay na lang ako sa abroad? May magandang kaya akong kapalaran sa abroad at kung may roon kalian naman kaya ako dapat mag-aplay para siguradong makaka-alis ako? April 10, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Rodel ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at mabuti ang iyong plano sapagkat may malinaw na Guhit ng Pangingibang Bansa sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin kapag nagsimula ka ng mag-aplay sa ngayon, hindi magtatagal, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Four of Diamonds, Seven of Diamonds at Ten of Diamonds (Illustration 1.), ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka pa dapat na mag-resign sa trabaho mo sa ngayon, sa halip sa 2017 ka pa dapat mag-aplay sa abroad at makikita mo, sa nasabing panahon sa edad mong 35 pataas sa buwan din ng Abril may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending