Sunday PinaSaya ng GMA, naka-1 taon na | Bandera

Sunday PinaSaya ng GMA, naka-1 taon na

Ervin Santiago - August 26, 2016 - 12:36 AM

sunday pinasaya

Bukod sa Eat Bulaga at sa guesting niya sa Encantadia, abot-langit pa rin ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng Kapuso na patuloy na tumututok sa weekly comedy show ng GMA na Sunday PinaSaya. Isang taon nang umeere ang nasabing programa at patuloy pa ring humahataw sa ratings game.

Sabi nga ni Alden, hindi talaga nila in-expect na ganito kabongga ang magiging pagtanggap ng manonood sa kanilang Sunday show. “Noong una, ang talagang gusto namin ay mag-offer ng something new for the Filipino audience.

In short, suntok sa buwan ang concept ng Sunday PinaSaya and hindi namin inakala na people will like the show, the concept of it, hanggang sa nag-number one pa siya, kaya thank You, Lord. Natutuwa kami na binigyan kami ng chance to shake things up a bit,” chika ni Alden.

Nu’ng isang gabi, ginanap ang grand presscon para sa first annivesary ng Sunday PinaSaya kasabay ng pagpapa-thank you ng buong cast at production sa pagkakapanalo nila bilang Comedy Show of the Year sa PEP List Year 3. At dahil isang taon na nga ang programa, maraming bagong pasabog ang buong cast sa mga darating pang Sunday.

Siyempre, nandiyan pa rin ang haligi ng programa na sina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola at Marian Rivera, kasama sina Barbie Forteza together with Andre Paras, Julie Anne San Jose, Jerald Napoles, Joey Paras at Valeen Montenegro. Sey ni Ai Ai, “Dahil espesyal ngayong August, patuloy po namin kayong bibigyan ng saya at katatawanan dito po sa Sunday Pinasaya.

Abangan niyo po ang lahat ng Sunday na aming hinanda para mapaligaya namin kayo. Happy birthday po to us!” Para naman kay Jose, “Salamat sa mga taong sumusuporta sa Sunday PinaSaya. Kaming lahat, mula sa boss, creative, prod, even sa utility.

Kaming lahat, sama-sama kami sa kung ano man yung narating ng show dahil hindi naman namin magagawa yan, kaming mga artista, lahat if wala yung mga tao sa likod mo. Kaya nakaka-proud lang talaga.” Ipalalabas na ang two-part anniversary special ng Sunday PinaSaya sa Sept. 4 at 11 sa GMA lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending