CSC nagbabala sa paglalaro ng Pokemon Go sa oras ng trabaho | Bandera

CSC nagbabala sa paglalaro ng Pokemon Go sa oras ng trabaho

Leifbilly Begas - August 25, 2016 - 05:16 PM
pokemon Pinaalalahanan ng Civil Service Commission ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na huwag maglaro ng Pokemon Go kapag oras ng trabaho.      Sa ipinalabas na pahayag ng CSC, sinabi nito na binabayaran ng publiko ang oras ng trabaho ng mga taga-gobyerno kaya dapat ang asikasuhin ng mga ito ay ang pagbibigay ng serbisyo.      “Government official time is paid for by the public and it should be devoted only to the provision of continuous and quality public service,” saad ng CSC.       Sinabi ng CSC na maaaring sumulat ito sa game developer ng laro upang alien ang mga Pokemons, PokeStops, at PokeGyms sa mga tanggapan ng gobyerno.      Ang Pokemon ay isa sa kinahuhumalingang laro ngayon.      Mayroon namang mga tumuligsa sa laro dahil nagiging abala umano ito.      Sa Cebu City, nagbanta ang isang judge na kakasuhan ang mahuhuli niyang naglalaro ng Pokemon Go sa kanyang court room dahil nakakaabala umano ito sa pagdinig.      Kulong at multa ang maaaring maging kaparusahan nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending