Duterte pormal nang inilabas ang drug matrix; ex-Pangasinan gov Espino pinangalanan
PORMAL nang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing drug matrix sa National Bilibid Prison (NBP) kung saan pinangalanan na niya ang gobernador na sangkot na sangkot sa droga na si dating Pangasinan governor at ngayon ay Pangasinan Representative Amando Espino (5th district).
Base sa matrix ni Duterte, si Espino ay nauna nang kinasuhan din ng plunder at sangkot din umano sa iligal na black sand quarrying at iligal na jueteng.
Binanggit din sa matrix ni Duterte si dating Justice undersecretary Francisco “Toti” Baraan III na inilarawan bilang “trusted ni De Lima at itinalaga para siyang mamahala sa operasyon ng Bureau of Corrections (BuCor).
Idinawit din ni Duterte ang kapatid ni Baraan na si Raffy Baraan na itinalagang Pangasinan Provincial Administrator.
Alam umano ni Raffy ang iligal na aktibidad ni Espino.
Samantala, batay sa matrix, “Boss De Lima” umano ang tawag sa dating kalihim.
“De Lima, you are finished. Tapos ka na. Sunod election… By the way, you look nice. Fighter talaga. Fighter talaga,” ayon pa kay Duterte.
Kabilang din sa idinawit sa drug matrix ay si dating BuCor chief Franklin Bukayo, ang umano’y boyfriend-bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan at isang BM Raul Sison.
Kasabay nito, idinetalye na rin ni De Lima ang umano’y bagong boyfriend ng senador na si Warren Cristobal, dating hagad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ngayon ay nagsisilbing security ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.