Malapit ng tumandang dalaga, makapag-aasawa pa ba? | Bandera

Malapit ng tumandang dalaga, makapag-aasawa pa ba?

Joseph Greenfield - August 25, 2016 - 02:33 PM

Sulat mula kay Dorie ng Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Mula ng mag-college ako at nakatapos ng college at ngayon ay may stable work na sa isang company na may kaugnayan sa telecommunication ay nagtataka ako sa akin love life kung bakit mailap sa akin ang mga lalaki, samantalang maganda naman ako. Isang beses lang ako nagka-boyfriend noong college ako tapos hindi pa seryoso. Sa ngayon ay umabot na tuloy ako sa edad na 37 at malapit ng tumandang dalaga kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa kaya ako? Kung makapag-aasawa pa ako, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko at kailan ko kaya siya makikilala? September 7, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Dorie Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napa-dulo o medyo late na ng tumubo ang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, kitang-kita pa rin naman ito sadyang malinaw. Ibig sabihin hindi ka dapat mag-aalala o matakot na tumandang dalaga, dahil sa malapit na hinaharap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda – makapag-aasawa ka at makakaroopn ng isang maligaya at pang habang buhay na pmilya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Jack of Hearts at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mas bata sa iyo ang lalaking iyong mapapangasawa at siya ay nakartakda mong makilala sa ika-10 buwan ng taong ito ng 2016, sa mismong opisina o kumpanya na iyong pinaglilingkuran.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending