Mylene hindi pinangarap ang maikasal; Masaya na sa kandungan ni Jason Webb
NAMI-MISS na pala ni Mylene Dizon ang gumawa ng indie films at ang huling ginawa niya ang “Heneral Luna” at “Mariquina” noong 2015.
Hindi na niya nagawang tumanggap ng offer dahil nga busy siya sa seryeng Doble Kara na isang taon nang umeere ngayon sa ABS-CBN. “May mga nagpapadala ng script pero anong gagawin ko, wala akong time. Yung dalawang araw na day-off ko, ibibigay ko na lang sa mga bata at ang daming errands na natatambak.
“Kaya kapag nagkaroon kami ng isang araw na bakasyon, natataranta kaming lahat gumawa ng errands, hindi naman puwedeng ipagkatiwala kasi minsan mga banking-banking, kailangan kami mismo ang gagawa, mga tax, ganyan,” kuwento ng aktres.
Dagdag pa ni Mylene, “Hindi mo talaga magagawang tumanggap talaga ng ibang job, ‘yan si Sam (Milby), nakatanggap pa ng dalawang pelikula, hindi namin alam paano niya ginagawa, pero kami hilung-hilo na kami.”
Major cast kasi si Mylene bilang si Laura Hipolito Suarez na tunay na ina ng kambal na sina Sara at Kara na ginagampanan ni Julia Montes at napilitang ipaampon si Kara dahil maysakit ito.
Kuwento nga ni Mylene, enjoy siya sa papel niya sa Doble Kara, “Kasi ipinakitang dalaga na nag-ago-go dancer na naging nanay to lola. So hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin in the next few months pa, baka maging super lola na ako o naka-wheel chair na ako bago magtapos itong Doble Kara.”
Sa tanong kung may dream role pa si Mylene dahil feeling namin ay halos nagawa na niya ang lahat character roles, “Marami pa, there’s so many things that I want to do, I’ve like to play something totally different na di ba, dito sa Doble Kara, lola ako? Gusto kong gumanap na 90 years old, pero gagawin ko na siya ngayon,” sabi ni Mylene.
Hindi eksklusibo sa ABS-CBN si Mylene kaya nakakapag-cross over siya sa ibang TV network, “I’m one of the few (stars) that can able to do it.”
Samantala, tinanong namin kung pinangarap ni Mylene na magkaroon ng sarili niyang serye o siya ang lead role, “Ah no, I am very happy where I am. Kung mangyari, it’s good, pero hindi ko pinapangarap. Ayoko ng ganu’n kalaking responsibilidad.
“Kaya bilib ako sa mga batang (artista) how they were able to do it, to deal that kind of pressure, sina Julia, gustung-gustong ko lang na nandito lang ako on the side lang, enjoy na ako rito, work lang nang work,” ani Mylene.
Kuwento nga ng aktres nang makatsikahan namin sa taping ng Doble Kara, halos wala na rin siyang panahon sa pamilya niya, “Almost everyday kasi ang taping namin, sometimes five times a week, ako ‘yan ang average ko at 12 midnight naman ang cut-off time namin.
“Sa totoo lang, hindi ko na rin naasikaso talaga ang mga bata kasi pag-uwi ko, tulog na ang family at bago ka umalis ng bahay kinabukasan, tulog pa rin ang family,” kuwento ni Mylene. Kulang na kulang din daw ang panahon nila ni Jason para sa isa’t isa.
Kaya natanong namin ang aktres kung hindi sila nag-aaway dahil nga kinakain ng Doble Kara ang oras niya, “Yeah, pero alam naman niya na hindi naman ito pang-limang taon, alam naman niyang hanggang one-year or one year and a half at suwerte na nga itong Doble Kara and he knows that it’s a blessing dahil tumagal kami ng ganito and still we’re going strong.
“And he knows that when I’m not working, I have all my time for them, the kids and him,” paliwanag ni Mylene. Tungkol naman sa lovelife, doing okay naman daw sila ng boyfriend niyang si Jason Webb na tatlong taon na niyang karelasyon. Close rin daw ang mga anak nila ni Jason sa dati nilang mga partners.
Ikinasal na dati si Jason habang si Mylene naman ay never pang nakaranas magpakasal, nangangarap pa ba siyang magpakasal? “Ako, hindi ko naging childhood dream, hindi ako ganu’ng babae. If it happens, then good siguro pero hindi ko hinahanap,” katwiran pa ng magaling na aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.