Michael sa ex-dyowa: Ilalaban ko ang karapatan ko sa anak ko!
PINADALHAN na ni Atty. Ferdie Topacio, Michael Pangilinan’s legal counsel, ng invitation si Ms. Erin Ocampo para mag-usap-usap sila regarding the visitation rights ng anak natin sa kanilang lovechild.
Hindi na kasi naging maganda ang kinahinatnan ng naging kasunduan nina Michael and Erin before na pwedeng makasama ni Michael ang anak nila. Biglang naiba ang ihip ng hangin – hindi kailanman pinayagan ni Erin na ipahiram ang baby nila kay Michael overnight dahil hindi raw payag ang stepdad ng girl kaya minabuti ni Michael na daanin na lang ang lahat sa legalidad.
“Hindi puwedeng ang stepdad niya ang magdi-decide para sa baby ko. Maayos ang naging usapan namin ni Erin noon pero ni minsan ay hindi siya tumupad. Gusto niya ay dadalhin niya ang bata sa bahay pero iuuwi din niya agad. Hindi ganoon ang naging usapan namin. Bakit pinahihirapan nila ako sa anak ko?
Bakit ang stepdad niya ang magdedesisyon para sa anak ko? Kailanman ay hindi ako nagpabaya sa mga pangangailangan ng anak ko. “Hindi ako papayag sa ganitong set-up. Ilalaban ko ang karapatan ko sa anak ko,” ani Michael na maluha-luha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.