Yeng Constantino takot umarte sa teatro: Alam kong singer-songwriter pa lang ako!
ANG manager ni Yeng Constantino na si Erickson Raymundo ang may ideya na gawing musical play ang mga kanta ng Pop Rock Superstar bilang bahagi ng ika-10 taon niya sa entertainment industry.
Napanood ni Erickson ang “Rak of Aegis”, isang Pinoy musical play tampok ang mga sikat na kanta ng Aegis, at naisip nga ng Cornerstone honcho na pwede rin silang bumuo ng play kung saan tampok naman ang hit songs ni Yeng.
Hanggang sa mabuo nga ang “Ako Si Josephine – A Musical Featuring the Songs Of Yeng Constantino.”
Sa ginanap na presscon ng nasabing play ay naiiyak si Yeng habang pinapanood ang pasampol ng buong cast ng show. Aniya, “Alam mo ‘yung parang ‘pambihira, totoo na nga ‘to!’ May ganun’g feeling.
“Hindi ko po talaga ma-explain ‘yung feeling. I’m just so blessed lang talaga at ako ang napili for this big event at biniyayaan po ako ni God at ‘di naman po lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na ganito,” sabi ng award-winning singer-composer.
Abut-abot naman ang pasalamat ni Yeng kay Erickson dahil sa magandang regalong ito sa kanya in celebration of her 10th year anniversary.
“Ngayon pa lang po talaga nag-o-open pa nang mas malaki ang mind ko sa ganitong klaseng mundo (teatro), dahil iba po ang mundo ko, eh. Nasa music ako. Pero napanood ko sa wakas ‘yung sa Sugar Free, tapos ‘yung sa ‘Rak of Aegis’ parang ‘wow, sobrang amazing nu’n!’ And I know na after me, sobrang marami pa pong susunod,” sabi pa.
Mapapanood ang “Ako Si Josephine” simula sa Set. 8 hanggang sa Okt. 9 sa PETA Theater, New Manila, Q.C.. Ang komedyanang si Via Antonio ang bida at gaganap na Josephine sa nasabing musical at ka-alternate niya ang isa ring komedyanang si Marionne Cruz.
Bakit nga ba hindi si Yeng ang gumanap na Josephine, “Talagang sinadya po namin na hindi na lang ako kumuha ng role or ‘yun ngang role na Josephine, kasi alam ko naman po ‘yung forte ko na singer and songwriter lang. Hindi ko na po kukunin ‘yun kasi baka pumangit!” katwiran niya.
Parte rin ng musical play sina Jon Santos at Ricci Chan bilang Monotomia at si Joaquin Valdez bilang leading man mula sa panulat ni Liza Magtoto at sa direksyon ni Maribel Legarda from the musical direction of Myke Solomon. For tickets, call Ticketworld, 891-9999.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.