MAGSASAGAWA ang Philippine Sports Commission ng drug testing sa mahigit sa 200 nitong empleyado.
Ito ang sinabi kahapon ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez bilang pagtugon sa “anti-illegal drugs campaign” ng pangulong si Rodrigo Duterte.
“We will enforce a drug testing for all PSC employees while random naman sa mga atleta,” sabi ni Ramirez. “We will put also CCTV sa lahat ng venue to monitor the athletes’ training at kung umaattend ba sila sa kanilang schedule.”
Ipinaliwanag naman ni PSC commissioner Charles Maxey na matagal na itong plano ng ahensiya at ngayon lang nila ito ipatutupad.
“It was the first agenda na aming napag-usapan noon bago maupo dito sa ahensiya. It will be enforced from the chairman down to the last employee,” sabi ni Maxey.
Samantala, muling bibisitahin ng ahensiya ang rehiyon ng Davao para sa pusibleng dito gawin ang 2017 Southeast Asian Games.
“We will again send a team, of which I will be joining also, for a second look on the possibility of hosting the SEA Games and possibly in helping in the construction of sports facilities,” ani Ramirez. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.