Kris humina ang powers nang bumaba sa pwesto si P-Noy; di na hinabol ng ABS-CBN | Bandera

Kris humina ang powers nang bumaba sa pwesto si P-Noy; di na hinabol ng ABS-CBN

Cristy Fermin - August 24, 2016 - 12:20 AM

kris aquino

KINOKOMEDYA na lang ng Philippine Comedy Queen ang pang-uusisa sa kanya ng marami tungkol sa pagpirma ni Kris Aquino ng kontrata sa produksiyon ni Mr. Tony Tuviera.

Maraming nag-aabang sa kanilang pagtatagpo sa bakuran ng GMA 7, ano raw kaya ang mararamdaman niya, bakit daw kaya nagdesisyon si Kris na lumipat na ng network? Tumatawang komento ni Ai Ai delas Alas, “Nami-miss niya siguro ako! Siguro, miss na miss na talaga niya ako!”

Dati silang mag-BFF, magkaututang dila sina Ai Ai at Kris, pero pinaghiwalay sila ng panahon. Dahil du’n ay naapektuhan ang career ni Ai Ai, lumipat siya sa GMA 7, tahimik na sana siya sa kanyang pagtatrabaho sa istasyon.

Pero biglang umeksena si Kris, pumirma nga ito ng kontrata sa APT Entertainment, sa GMA 7 nagpoprodyus ng mga shows ang kumpanya ni Mr. T. Lumalabas sa pag-aanalisa ng mas nakararami na nang-iinis na naman si Kris dahil kung saan nandu’n ang dating BFF niya ay du’n pa ito nakipagkontrata.

Komento ni SOS, isang masusing nakasubaybay sa mundo ng showbiz, “Hindi nang-iinis si Kris, wala lang talaga siyang pupuntahan! Hindi kasi niya nakuha ang gusto niya sa ABS-CBN, kaya kailangan na niyang lumundag ng bakod!

“Kailangan nang tanggapin ni Kris na mula nu’ng bumaba ang kuya niyang presidente, e, nabawasan na ang bargaining power niya, iba na ang panahon ngayon. “Hindi na niya makukuha ang mga gusto niya, unlike before na what she wants, she really gets! Hindi na ganu’n kataas ang premium niya ngayon,” komento ni SOS.

Nawindang din ang mga kasamahan ni Kris sa Dos dahil wala itong pinagsabihan tungkol sa kanyang desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending