Aga 3 taong walang trabaho: Bata pa ako para mag-retire!
HABANG hinihintay namin si Aga Muhlach para sa kanyang solo presscon bilang ikaapat na hurado sa upcoming reality show ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar ay tsinika muna namin ang Business Unit Head ng programa na si Lui Andrada.
Tinanong namin kung paano niya napapayag si Aga na matagal nang nawala sa showbiz na maging judge sa isang reality talent search, “Siguro nagkasabay lang ‘yung time na ready na siya at saka siguro kaya niya nagustuhan kasi giving back, eh.
“Di ba, after ng lahat naman ng naging Aga siya, di ba? Nagsimula naman siya rito sa ABS at saka naisip niyang bago ang programa at magandang entry ito ulit kasi tumutulong ka sa mga nangangarap.
“Feeling ko na-excite siya nang i-present namin sa kanya dahil another facet ito for him kasi dating heartthrob, award winning actor to a leading man, to a comedian. So ngayon naman judge siya so bago naman ito,” esplika ni Lui.
Naging matagal ba ang negosasyon? “Actually, nag-start nu’ng nagbi-brainstorming kami na paranf may kulang sa casting. Walang lalaki na heartthrob.
“Kasi ganu’n ‘yung hinahanap mo, eh (na show), so dapat siya ‘yung epitome na hinahanap. Nagkataon naman na nagkita kami sa Hongkong, nakasabay ko sila ni Charlene (Gonzales), so sabi ko, ‘ay puwede si Aga kasi ‘yun ‘yung hinahanap, epitome of a heartthrob. Tapos nu’ng na-pitch, in-approve naman ng management, so na ‘yun. Tapos mabilis lang (ang proseso) in fairness, siguro isang buwan lang ‘yun,” paglalarawan ni Lui.
Sabi namin may pa-epek ang show dahil tatlo lang ang alam naming hurado ng Pinoy Boyband Superstar, sina Vice Ganda, Sandara Park at Yeng Constantino.
“Oo nga, well hindi naman kasi sinasadya ‘yun because it was supposed to be presentation for the trade launch, parang in-intro lang for advertisers, e, may nakapag-video ata nu’ng AVP (audio visual presentation), kaya nag-leak. E, siyempre pag ganu’n wala ka namang magagawa na at hindi mo naman puwedeng i-deny ‘yun,” paliwanag ng bossing ng show.
Sa susunod na linggo na ang taping ng PBS, “Marami nang nag-audition at exciting ang mga contestant, may mga guwapo at magagaling at may magaganda ang kuwento. May mga galing pa sa ibang bansa.
“Exciting kasi hindi lang basta kakanta ka sa harap ng judges, bago ka makaharap sa judges, may pagdadaanan ka. Parang may girls sa audience na boboto sila based on the personality of the contestant. Pag naka 75% of the votes ay saka palang sila papasok sa judges, saka palang sila makakakanta,” esplika ni Lui.
q q q
Speaking of Aga, six years pala siyang nagbakasyon sa showbiz at nitong nakaraang Huwebes, ay pumirma na siya ng kontrata sa Kapamilya network para sa nasabing reality show.
Kasama ang manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos sa pirmahan with ABS-CBN President at CEO, Carlo Katigbak at ABS-CBN Chief Operating Officer Ms. Cory Vidanes. At sa pagharap ni Aga sa entertainment press kinagabihan ay ang ganda ng mood niya at nakipag-selfie pa sa lahat ng taong nasa venue.
Kuwento ng aktor, “Pagdating ko kanina (sa ABS-CBN) parang it’s so normal, parang I never left home to see old faces, friends whom I worked in 19 years.
“I was in ABS for 19 years. But the only difference now is I was gone for six years and I didn’t work for three years and I stopped. So this is my first day na makahawak ulit ng mikropono, first day na makunan ako ng picture, first day akong na-interview uli kaya medyo naiilang ako but it’s so nice to see old faces here na mga kaibigan ko ang press since day one,” anang aktor.
Paano nga ba tinanggap ni Aga ang offer bilang isa sa hurado ng Pinoy Boyband Superstar? “It wasn’t easy, how do I say this. It was a question of parang, ‘Am I ready? The question of coming back to ABS, wala na ‘yun, eh, that’s fine kasi d’yan ka naman talaga pupunta.
“Nagpaalam lang naman ako sandali, but going back to work was a big question talaga and it took a couple of days or weeks also, and parati kong sinasabi na Am I got tired of working and I get burned out already and I was enjoying the regular life, really having fun with it.
“But then I was thinking, I was 46 (years old) that time, I said parang it was too young for me to retire. I don’t mind really, pero marami pa akong gustong gawin, I’m 47 now kaya lang, hindi ko alam paano ako papasok o babalik, ang alam ko lang talaga at hilig ko is pelikula. Then this thing came in.
“So sabi ko, parang ito na ‘yun, iba, and there’s no much pressure because there’s four of us, so sabi ko, this is the best way to make a come back at ABS, and I’m happy to do the show because again, it’s not focus on me,” kuwento ni Aga.
Kailan naman mangyayari ang tambalang Aga at Lea sa pelikula? “Malapit na. Naamoy ko na. That’s why today, when I got here, Star Cinema was here to welcome me also and handed me a script right away.
“So, there’s a script now that I will have to read when I get home. So, within the week malalaman ko,” saad ni Aga. ‘Yan ang aabangan natin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.