ANDI EIGENMANN ayaw na talagang balikan ni JAKE EJERCITO, nadala na?
Wala na raw talagang pag-asang maging magdyowa uli
NOONG isang araw ay nakatsikahan namin ni kafatid na Ernie Enrile ang mahal kong friend na si Laarni Enriquez, ang ina ng controversial boy na si Jake Ejercito, sa kanilang campaign house sa Sta. Mesa.
Sobrang busy sila para sa mayoralty campaign ni dating pangulong Joseph Estrada sa Manila.
Nandoon sina Sen. Jinggoy at Pangulong Erap when we met.
Nakakatuwa si dating pangulong Erap dahil ang bungad niya sa akin, “Ang lakas mo sa ABS-CBN, ah!
Napatanggal mo si Willie Revillame!” Na sinagot ko naman ng, “Hindi naman po.” Sinabi ko sa kanyang bati na kami ni Willie, wala nang problema.
Anyway, habang nag-uusap sina Sen. Jinggoy at Pres. Erap sa isang mesa, nasa kabilang table naman kami nina Laarni and Ernie para magtsismisan. Tawanan lang kami nang tawanan.
Nabanggit ni kafatid na Laarni na umuwi ang guwapo nilang anak na si Jake last Sunday.
Bakasyon lang pero babalik din kaagad after Holy Week.
Kaya sinamantala na namin ang pagtatanong ng mga sari-saring chika about her son and former girlfriend Andi Eigenmann, including the rumor na nagkita ang dalawa sa London recently.
“No. Hindi totoong si Jake ang pinuntahan ni Andi roon.
Talagang nagbakasyon si Andi pero hindi sila nagkita ni Jake because Jake was in Morocco naman that time.
As far as I know, bati na sila, they communicate pero bilang magkaibigan na lang.
Wala na raw silang relasyon. Iyan ang sabi ng anak ko sa akin.
“Very open naman si Jake sa akin kaya I assume na talagang friends na uli sila.
Sabi kasi ni Jake, hindi sila puwedeng umiwas sa isa’t isa because isa lang ang circle of friends nila.
Pero they’re better off as friends.
Wala namang problema sa akin dahil lalaki ang anak ko,” malambing na sambit ni Laarni sa amin.
Biniro ko siya na baka hindi na lang umamin si Jake tungkol sa kanila ni Andi para wala na lang alingasngas, baka inililihim na lang nila ang lahat para wala nang gulo. Mang-intriga ba?
“That I don’t know.
Since iyon ang sinabi sa akin ni Jake kaya pinaniniwalaan ko siya.
So far wala naman akong nararamdamang ganoong eksena kaya I doubt it. Ha-hahaha!” aniya pa.
Anyway, speaking of the mayoralty race sa Manila, head on ang labanan between former president Erap and current mayor Alfredo Lim.
Matindi ang labanan, hati ang ka-Maynilaan ngayon though ayon sa mga nakakausap naming mga Manilenyo, napakalakas ni Erap sa Manila lalo na sa Tondo.
Talagang bagyo raw ito.
“Mukhang nakahanap ng katapat si Mayor Lim ngayon, may tulog siya kay Erap dahil sobrang mahal ng Manila si Erap.
Iba kasi ang charisma niya sa tao.
Pag lumalabas siya sa public, he is so adored. Si Mayor Lim kasi ay stiff and so tough kaya parang naiilang sa kanya ang mga tao. Dirty Harry kasi ang image ni Mayor Lim kaya may takot factor ang mga tao sa kanya.
Unlike former president Erap na makamasa talaga.
Kahit napababa siya as president noon, parang hindi naman nabago ang tingin at paghanga sa kanya ng mga tao,” sabi ng isang taga-Manila na nakasalubong namin.
Meron din kaming mga nakakausap na kabagang ni Mayor Lim who is also close to us pero mas marami kaming nakausap na maka-Erap.
Na-miss daw nila si Erap at gusto naman daw nila ng bagong putahe sa Manila.
Naramdaman daw kasi nila na medyo mas humirap ang buhay nila sa Manila dahil kokonti lang daw ang mga pangkalahatang proyekto ni Mayor Lim.
Mga Chinese businessmen lang daw ang umangat ang buhay pero silang mahihirap ay kumonti ang opportunity for a better life.
Hindi naman ako maka-react dahil hindi ako nakatira sa Manila kaya hanggang pakinig na lang ako.
Kahit yung mga friends namin sa Leveriza, Malate ay maka-Erap talaga.
Napakalaki pa namang distrito nito outside Tondo.
Anyway, good luck na lang sa labanan nilang ito.
Basta ba fair lang ang elections, yung walang dayaan sa PCOS machine, baka may tulog nga si Mayor Lim.
Hay naku…bahala na si Batman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.