True ba, Isabelle, Cristine nagpaplastikan lang?
KASABAY ng pagiging busy sa taping ng afternoon series ng ABS-CBN na Tubig At Langis, inaasikaso rin ni Isabelle Daza ang mga requirements para sa pagpapakasal nila ni Adrien Semblat sa Italy sa Sept. 10.
Ayon kay Belle, todo na ang preparasyon nila para sa magaganap na wedding, “Well right now inaasikaso ko ‘yung papers kasi napaka daming requirements sa Italy so that’s what I’m busy with.”
Nagpapasalamat ang aktres dahil napaka-supportive ng mga kasamahan niya sa Tubig At Langis, “I feel good naman, a bit stressed but in fairness with the Tubig At Langis family they have been supportive to me.”
Isang buwan na lang mapapanood ang nasabing serye na pinagbibidahan din nina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes. In fairness, araw-araw itong trending topic sa social media dahil na rin sa walang patumanggang sampalan, sabunutan, sapakan at madadramang eksena dahil nga sa tema ng kabitan.
“Alam n’yo we gave a 110 percent dito sa huling linggo, parang binigay na namin lahat. We are so passionate about this project and we’re so happy with the turnout at sa response ng mga tao. Talagang inaabangan nila.
“Minsan nasa parlor ako sinasabi nila ‘Alam mo wala kaming client tuwing 4:15 p.m. kasi gusto namin lahat manood.’ Pati ‘yung mom ko sinasabi niya, ‘Alam mo ‘yung mga friends ko they ask me ano ‘yung ending.’ So, nakakakilig at nakakataba ng puso,” ani Isabelle.
Dito rin nilinaw ni Belle ang tsismis tungkol sa kanila ni Cristine, may mga kumalat kasing chika na nagpaplastikan lang sila sa set ng Tubig At Langis, “I guess siyempre laging may issue especially pag bida-kontrabida but Cristine and I have a good relationship.
“We’re not the best of friends like I don’t text her everyday pero pag kailangan I do reach out to her. Pati siya she reaches out to me and I admire Cristine as an actress, ang dami kong natutunan sa kanya,” sey pa ng anak ni dating Miss Universe Gloria Diaz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.