Emoterang female personality talbog ang general sa dami ng bodyguard
AYON sa mga miron na nakakatrabaho ng isang female personality ay hindi raw siya tagarito sa atin, hindi siya naninirahan sa Pilipinas, dahil taga-“Maldives” siya.
Ano nga ba ang katunog ng pangalan ng naturang bansa, walang iba, kundi maldita. Ganu’n nga kung ilarawan ng kanyang mga nakakasama sa linya ng trabaho ang babaeng personalidad na madalas i-bash ngayon dahil sa sobrang pagka-enjoy kuno niya sa bagong titulong ibinigay sa kanya.
Sa isang photo shoot ay mas lumutang ang kaartehan ng hitad na female personality. Napakalaki kuno ng pagkakaiba niya sa maraming sikat na artistang nakatrabaho na ng grupo.
Kuwento ng isang source, “Ang ibang artistang nakakatrabaho ng tropang ‘yun, e, walang kaarte-arte sa katawan. Sila ang nagbubuhat ng mga stuff nila, kapag marami lang silang dala, du’n lang sila nagpapatulong sa kasama nila.
“Pero si ____ (pangalan ng maarte at malditang female personality), ayaw pang bumaba sa sasakyan niya, ilang sundo na sa kanya ng staff ng glossy magazine kung saan siya kinuhang mag-cover, pero talagang prenteng-prente pa rin siyang nakahilata sa car niya.
“Bababa na lang daw siya kapag okey na siya, sobrang puyat at pagod daw kasi siya, pinakawalan daw siya the previous night nang sobrang late na, kaya wala pa siyang sapat na tulog.
“Pagbaba niya, e, para siyang general na pinalilibutan ng bodyguards, matuk mo ‘yun? Nakakaloka ang mga kadramahan niya! E, si ____ (pangalan ng isang singer-actress na sikat na sikat at napakaganda) nga, mag-isa lang siyang umakyat sa photo studio.
“Parang wala lang, parang hindi siya sikat, siya pa nga ang nagbibitbit ng mga kagamitan niya! Kaya Bradly Guevarra, pangaralan mo ang babaeng ‘yan na kapag dinaganan ka, e, siguradong mapipiga ka sa laki ng mga churva niya!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.