Bossing ibabalik ang ‘Enteng Kabisote Part 10’ sa MMFF 2016

By Jun Nardo August 13,2016
share this

Bossing ibabalik ang ‘Enteng Kabisote Part 10’ sa MMFF 2016

By Jun Nardo August 13,2016
share this

vic sotto at eugene domingo

BALITANG ligwak na si Gwen Zamora sa possible 2016 Metro Manila Film Festival entry ni Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10 And The Abangers!” Naganap last Wednesday ang story conference ng pelikula nina Bossing Vic pero surprise daw kung sino ang gaganap na bagong Faye.

Present ang ilan sa cast members (naka-post sa Instagram account ni Kapuso Girl) kabilang na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Bea Binene, Epi Quizon, Oyo Sotto, Ryza Cenon, Ken Chan, Alonzo Muhlach, Kakai Bautista, Rogelio ng Kalyeserye.

Nandoon din si director Tony Reyes na resident director ng “Enteng Kabisote” movies at co-producer na si Orly Ilacad.

Tinupad nga ni Vic ang pramis sa fans na kapag sasali siya ngayong festival, ang bagong bersyon ng Kabisote series ang gagawin niya.

Ngayong umarangkada na si Bossing Vic sa entry niya, siguradong magiging maningning muli ang MMFF dahil naglabas na rin ng balita na sasali rin this year sina Vice Ganda at Coco Martin, ang entry ni Eugene Domingo na “Ang Babae sa Septic Tank 2”, at ang ipinasok na entries ng Regal na “Mano Po 7: Chinoy” ni Richard Yap, “Our Mighty Yaya” ni Ai Ai delas Alas at ang star-studded cast na “Puwera Usog.”

Wag naman sanang mag-sufffer ang kalidad ng mga ipapasok na entries para lang makahabol sa October 31 finished product deadline ng MMFF, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending