Pinoy golfer hahataw ngayon sa Rio Olympics | Bandera

Pinoy golfer hahataw ngayon sa Rio Olympics

Angelito Oredo - August 12, 2016 - 01:00 AM

ANG golfer na si Juan Miguel Tabuena naman ang magkakaroon ng pagkakataon ngayon na mabigyan ng isa pang medalya ang Pilipinas sa kanyang pagsalang sa golf competition ng 2016 Rio Olympics.

Makakasagupa ng ranked No. 36 sa mundo na si Tabuena ang mga pinakamagagaling na golfer sa mundo simula ngayon kung saan hangad nitong masundan ang pagkakapanalo ng pilak na medalya ni Hidilyn Diaz sa weightlifting nitong Lunes.

Sasabak naman ang marathoner na si Mary Joy Tabal sa Linggo habang si Marestella Torres Sunang ay lalaro sa long jump at si Eric Cray ay lalaban sa 400m hurdles sa athletics sa Lunes.

Ang huling Pinoy na sasabak sa kumpetisyon ay ang taekwondo jin na si Kirstie Elaine Alora sa Agosto 20.
Ang 21-anyos at kasalukuyang Philippine Open champion na si Tabuena ay kumpiyansang makapagtatala ng mainit na pagpalo sa Rio base na rin sa mahusay nitong nilalaro ngayong taon bilang pro. Kasama nito ang sariling caddy mula sa Baguio na si Clayton Besset at swing coach Joel Altea pati na ang ama nito na si Luigi.

“I feel confident,” sabi ni Tabuena. “I’m more confident now pulling out my driver,” sabi pa nito matapos na bisitahin ang 18 holes na may par-71 at layong 7,162-yard link course na tinaguriang Olympic Golf Course.

Mula sa 13 atleta ay natira na lamang sa lima ang tsansa ng Pilipinas na makakuha ng medalya sa nalalabing 10 araw ng aksyon sa Rio Olympics.

Huling napatalsik ang two-time Olympian na si swimmer Jasmine Alkhaldi na lumahok sa women’s 100m freestyle Miyerkules ng umaga subalit hindi man lamang nakatuntong sa semifinals sa Olympic Aquatics Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending