NANGAKO ang boxing superstar na si Sen. Manny Pacquiao na magpapatupad siya ng reporma sa Philippine sports para masiguro na matatanggap ng mga pambansang atleta ang mga insentibong nararapat para sa kanila.
Ayon kay Pacquiao, na chairman ng Senate committee on sports, makikipagpulong siya sa mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa susunod na linggo para pag-usapan kung anu-ano ang mga dapat baguhin sa pamamalakad ng Philippine sports.
“It has been a long time that nobody has bothered to look into problems in sports. It has been ignored. Of course, we know that a lot of anomalies also happen in sports,” sabi ni Pacquiao.
Nais ding ayusin ng Senador ang sinasabi niyang “overlapping mandates” ng PSC at POC.
“We’re trying to know more about the details from the PSC. I heard the problems, somebody told me so that’s what I want to focus on right now. It’s my obligation to improve that during my time,” dagdag pa ni Pacquiao, na playing coach din ng Mahindra Enforcers sa Philippine Basketball Association.
Sisiguraduhin din daw ni Pacquiao na matatanggap ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang P5 milyon cash incentive mula sa gobyerno.
Ipaiimbistiga rin daw ni Pacquiao ang P2.5 milyon na hindi pa umano natatanggap ngunit ipinangako sa Olympian boxer na si Mansueto “Onyok” Velasco na nanalo ng silver medal sa 1996 Atlanta Games.
“We will really focus on the incentives that have not been given to our athletes and on reforming the PSC. We will fix that because, of course, I have been in sports for a long time. I know the ins and outs,” sabi ni Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.