James Yap 3 na ang panganay na lalaki; Kris siguradong gagawa rin ng eksena | Bandera

James Yap 3 na ang panganay na lalaki; Kris siguradong gagawa rin ng eksena

Cristy Fermin - August 11, 2016 - 12:32 AM

james yap

May tatawag na ng kuya kay Bimby! May munting anghel na sina James Yap at Michela Cazzola, it’s a boy, text ng magaling na basketbolista sa kanyang mga kaibigan.

Tatlo na ang panganay ngayon ni James, puro lalaki ang kanyang mga anak, kapapanganak lang ng kanyang Italyanang girlfriend ay isinasahog na agad-agad sa kuwento si Kris Aquino.

Ano raw kaya ang magiging reaksiyon ng aktres-TV host sa pagkakaroon uli ng anak ng kanyang ex, mananahimik lang daw kaya si Kris, o gagawa siya ng eksena para makipagkumpetensiya sa ibinibigay na atensiyon ng publiko ngayon kina James at Michela?

Sabi ng isang source namin, “Kung kilala nga natin si Kris, e, siguradong gagawa at gagawa siya ng scenario. “Hindi niya basta uupuan lang ang moment na ito, siguradong si Bimby ang ipambabala niya sa pagkekemerut-kemerut niya!” tawa nang tawang sabi pa ng aming kausap.

‘Yun kasi ang pagkakilala ng mas nakararami kay Kris, hindi siya papayag na masapawan, kaya siguradong ang mga nakakakuwentuhan namin na isang araw ay meron din siyang ilalabas na pasabog para makakuha ng atensiyon.

Puwede rin namang baka manahimik na lang siya, baka naman pinag-mature na siya ng panahon, puwedeng ipaubaya niya na lang ang limelight ngayon kina James at Michela.
Pustahan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending