Mother Lily may bonggang regalo para sa LGBT community | Bandera

Mother Lily may bonggang regalo para sa LGBT community

Ervin Santiago - August 08, 2016 - 12:05 AM

that thing

KAKAIBANG regalo at tribute ang handog ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment ngayong Agosto na kanyang birth month sa LGBT community. Ito ay ang hugot comedy movie ng taon, ang “That Thing Called Tanga Na” showing on Aug. 10.

Simula nang mag-produce ng pelikula 55 years ago, malapit na sa puso ng Regal producer noon pa ang mga gay wala pa man ang tinatawag na LGBT group kaya naman hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang paghanga niya at respeto sa third sex.

Kung noon ay ang mag-entertain ng publiko ang hangad niya sa bo-xoffice comedy films ng Regal like “Petrang Kabayo,” “Kumander Gringa,” “Bala at Lipstick” at iba pa, nag-evolve ‘yon sa mas makabuluhang gay-oriented films na entertaining na, socially-relevant pa tulad ng “Manay Po 1,” Manay Po 2,” “Happy Together” at iba pa.

Sa pagkilala ngayon ng buong mundo sa LGBT community, ang entertaining movie na “That Thing Called Tanga Na” ang nais niyang maging special gift at tribute sa grupo. Gaya ng ibang tao, may karapatan din ang LGBT na magmahal. Pero tulad din ng ordinaryong nilalang, nagkakamali rin sila pagdating sa pag-ibig.

Ang premyadong si Joel Lamangan ang nagdirek ng pelikula. Kaya nang ilabas ang full trailer ng movie sa You Tube channel ng Regal, humahig agad ito ng milyong views dahil nakakatawa na eh, relatable pa sa lahat ng genders!

Bibida sa pelikula sina Eric Quizon, Billy Crawford, Mart Escudero, Kean Cipriano, Angeline Quinto at marami pang iba.

Marami nang nagawang gay films si Eric kaya naman gamay na gamay na niya ang role niyang beki sa pelikulang ito. Maging si Mart ay sanay na sa pagbabading, nanalo pa nga siya ng Best Actor sa gay movie na “Zombadings”. Dito sa latest offering ng Regal isang transsexual naman na gustong mag-ampon ang role niya.

First time naman ni Billy na gumanap na beki. Closet gay siya rito na may boyfriend. Pero hindi babae o kapwa bading ang nakabangga ni Billy sa movie kungdi ang nanay nito!

Nangangarap namang makasal ni Kean na isang bading na fashion designer. Kaibigan niya si Angeline na isang event specialist at trying hard singer ang role. Subalit lingid sa kaalaman ni Angeline, natikman pala ng kaibigan ang boyfriend na pakakasalan niya!

Kasama rin sa “That Thing Called Tanga Na” sina Albie Casino, Ken Alfonso, Timothy Yap, Paolo Gumabo, Vangie Labalan at iba pa. Naka-schedule ang premiere night nito sa Agosto 9, sa SM Megamall cinema 7 at showing na sa Agosto 10 sa mga sinehan nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending