USA wagi sa China sa Rio de Janeiro Olympics men’s basketball
Agad ipinamalas ng USA men’s basketball team kung bakit sila ang pinapaborang koponan na muling mag-uuwi ng gintong medalya sa Rio de Janeiro Olympics sa Brazil.
Pinamunuan ni Kevin Durant ang Americans na may 25 puntos at game high six assists upang gibain ang Asian powerhouse China,119-62, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) at ilista ang unang panalo sa preliminary round ng Group A.
Si Demarcus Cousins ay tumipa ng 17 markers habang naglagak si Paul George ng 15 para sa USA na binubuo ng NBA players upang iangat sa 6-0 win-loss ang rekord bansa kontra Chinese nationals sa Olympics.
Asinta ng tropa ni Coach Mike Krzyzewski ang ikatlong sunod na kampeonato matapos iuwi ang gintong medalya noong 2008 Beijing at 2012 London Games.
Sampung manlalaro ng koponan ang first time Olympians kung saan anim dito ay nasa kanilang unang tour of duty para sa international tournament.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.