BINIGYAN ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA) para itigil ang paggamit ng landmine sa pagsasabing wawakasan niya ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo sakaling may maulit na insidente.
“I would insist you include the landmine issues or else no talks at all. Then we fight for another 45 years. Walang problema. Mag-recruit ako ng isang milyong Pilipino – fight,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City. Idinagdag ni Duterte na patuloy ang paggamit ng NPA ng mga landmine sa kabila ng umiiral na Geneva Convention. “I am now invoking the Geneva Convention. It is part of the international law not only of the Philippines but around the world. Either you stop it or we stop talking. Fight na lang – another 45 years,” ayon pa kay Duterte. Sinabi pa ni Duterte na pauuwiin na lamang niya ang mga miyembro ng government panel na makikipagnegosasyon sana sa CPP sakaling hindi sumunod ang NPA. ” Either you stop it now or I’m ordering the government panel to come home. Actually iyong gastos nila di ibigay ko na lang sa sundalo. Sige bili kayo ng isang barkong explosives diyan, paputukin natin itong… I’m not pleading this time. That’s an ultimatum,” ayon pa kay Duterte.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending