North All-Stars kontra South All-Stars sa PBA All-Star Game
PILIT na isasalba ng muling salpukan ng North kontra South ang nilangaw na Philippine Basketball Association (PBA) All-Star Weekend na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Ito ay matapos mahigit sa 200 katao lamang ang nanood sa unang araw ng aktibidad na isinagawa ang Obstacle Challenge, Three-Point Shootout at Slam Dunk Contest. Ginanap din ang tampok na Blitz game sa pagitan ng dating stars, mga baguhan at D-League amateurs pati na rin ang ring icon na si Manny Pacquiao.
“We’re quite disappointed right now but it didn’t matter to the players. They came out, they did their best,” sabi ni PBA Commissioner Chito Narvasa Narvasa matapos ang laro.
Isa sa inaasahang magbibigay kulay bago ang tampok na salpukan sa 2016 PBA All-Star Weekend ay ang dance-off sa pagitan ng mga miyembro ng North at South.
Isa na sa inaasahang magpapakita ng talento para sa South si Joe Devance na madalas nagpapamalas ng kanyang husay sa pagsasayaw sa nakaraang paglalaro sa All-Stars.
“I know James (Yap) is a great dancer, Asi (Taulava) is a great dancer. There are guys here who are great dancers. I don’t have anything planned yet. We’ll talk with the rests of the guys and get some great ideas,” sabi ni Devance sa ginanap na All-Star Weekend press conference Huwebes.
Huling nagwagi sa dance-off ang South All-Stars bagaman nabigo ito sa laro kontra sa North All-Stars, 166-161, na isinagawa sa Puerto Princesa City.
Gayunman, muling nagbigay si Devance kasama ang kakampi sa South na si Asi Taulava ng suhestiyon para mas paigtingin ang kanilang labanan ng itinatagong talent.
“This is a rule I just made right now. The coaches are both going to be on the dance as well. If they don’t, they will be fined. Right, commissioner?” sabi nito habang nakatingin kay PBA Commissioner Chito Narvasa.
“Kailangan taasan nila ‘yung premyo,” sabi naman ni Marc Pingris ng Star.
Nakataya ang P100,000 cash prize para sa magwawaging koponan sa dance-off bagaman mas tataas pa kung aaprubahan ang suhestiyon nina Devance at Pingris.
“Madali naman tayo kausap eh,” sabi ni PBA chairman Robert Non.
Ang North All-Stars ay binubuo nina Pingris, Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Terrence Romeo ng Globalport, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Calvin Abueva ng Alaska bilang mga starters.
Ang mg reserba ay sina Jayson Castro ng TNT KaTropa, Alex Cabagnot ng San Miguel Beer, Gabe Norwood ng Rain or Shine Elasto Painters, Paul Lee ng Rain or Shine, Ranidel de Ocampo ng TNT KaTropa, Stanley Pringle ng Globalport Batang Pier at Troy Rosario ng TNT KaTropa.
Head coach si Yeng Guiao ng Rain or Shine.
Ang starters ng South All Stars ay binubuo nina James Yap ng Star Hotshots, Scottie Thompson ng Barangay Ginebra, Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Joe Devance ng Barangay Ginebra.
Hindi makakalaro si Greg Slaughter dahil sa injuriy kaya papalitan ito ni Asi Taulava ng NLEX.
Nasa reserba sina J.R. Quiñahan ng Rain or Shine, Jeffrei Chan ng Rain or Shine, Jericho Cruz ng Rain or Shine, Chris Ross ng San Miguel Beer, Mark Barroca ng Star, RR Garcia ng Star at Carlo Lastimosa ng Blackwater.
Ang head coach ng South All-Stars ay si Leo Austria ng San Miguel Beer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.