Phoenix Accelerators reresbak sa Café France Bakers | Bandera

Phoenix Accelerators reresbak sa Café France Bakers

Angelito Oredo - August 04, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
2 p.m. Tanduay vs AMA Online Education
4 p.m. Café France vs Phoenix
Team Standings: *Racal (9-2); *Café France (8-2); *Phoenix (8-3); *Tanduay
(7-4); AMA (4-6); Blustar (2-10); Mindanao (0-11)
* – pasok sa semifinals

PANIBAGONG yugto ng umuusbong na matinding karibalan sa pagitan ng Café France at Phoenix ang inaasahang magaganap sa sagupaan ng dalawang koponan ngayon sa 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Sinabi ni Accelerators coach Eric Gonzales na tatratuhin nila ang laban na tila isang kampeonato lalo na’t puwersado itong manalo bunga ng kanilang 8-3 karta at isang kabiguan ay maghuhulog sa asam ng koponan na masungkit ang isa sa dalawang twice-to-beat incentive sa semifinals.

“We’re facing a championship team on Thursday,” sabi ni Gonzales matapos dominahin ng Phoenix ang Blustar Detergent nitong Martes sa pag-uwi ng 108-83 panalo. “We have to play it like a championship game. Di kami puwedeng matamlay so we have to build on our game.”

Ganito rin ang nais ni Bakers coach Egay Macaraya.

“We have to win versus Phoenix before anything else. I guess mag-aaway kami para doon sa top two,” sabi ni Macaraya matapos ang 86-70 panalo kontra AMA Online Education noong Huwebes.

Maghaharap muli ang Aspirants’ Cup finalists sa ikalawang pagkakataon ngayong kumperensiya sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kung saan nakataya ang top two spot sa salpukan na gaganapin dakong alas-4 ng hapon.

Tinalo ng Café France ang Phoenix sa kanilang unang paghaharap matapos itakas ang 96-93 overtime panalo noong Hulyo 21.

Hindi nakalaro si Mac Belo sa laban subalit inaasahan itong babawi kontra sa Bakers.

Hinihintay naman ng Racal ang resulta ng laban. Ito ay dahil kapag nanalo ang Phoenix ay masisiguro ng Tile Masters ang unang puwesto habang kung magwawagi ang Café France ay masisiguro nito ang twice-to-beat incentive na magtatanggal sa tsansa na magkaroon ng triple-tie para sa number one seed.

Asam naman ng Tanduay sa unang laro na mapaganda na lamang ang puwesto sa Final Four sa pagkumpleto nito sa lahat ng laro kontra napatalsik na AMA Online Education sa ganap na alas-2 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending