Willie: Hanggang kaya ng Wowowin na tumulong go lang ng go! | Bandera

Willie: Hanggang kaya ng Wowowin na tumulong go lang ng go!

Cristy Fermin - August 01, 2016 - 12:05 AM

willie revillame

MULING pumirma ng one-year contract si Willie Revillame sa GMA 7 para sa kanyang matagumpay na programang Wowowin. Masayang-masaya ang buo niyang staff dahil ang kahulugan nga naman nu’n ay trabaho uli para sa isang buong taon.

Masayang reaksiyon ni Willie, “Isang bagong taon, bagong paghamon, bagong inspirasyon ito para sa a-ming lahat ng staff ko. Lalo kaming magiging inspired dahil heto, pinagkatiwalaan uli kami ng network namin. “Gaya ngayon, may bago kaming segment, maganda ito, Tawag Ng Pa-ngangailangan. Ang showbiz, e, may Spell M, di ba? Ang ibig palang sabihin nu’n, e, matinding pa-ngangailangan.

“Kami naman, tatawagan namin ang mga kababayan nating may pangangailangan. Hanggang kaya naming ibigay ang kailangan nila, go lang nang go ang Wowowin! “Napakasarap kasing makaramdam nu’ng kasiyahang napi-feel ng kausap mo. Iba ang i-binibigay na saya ng pagtulong. Du’n ako maligaya,” mahabang komento ng magaling na game show host.

Araw-araw, tulad din ng kanyang buong staff, ay inspirado si Willie sa pagpasok sa bakuran ng GMA 7. Ramdam niya kasi ang masarap na pagtanggap sa kanya ng network, ibinibigay ng istasyon ang mga pangangailangan ng kanyang programa, laging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga ehekutibo.

“Napakasarap ng feeling na alam mong you belong talaga. Tsine-check nila kung ano ang mga kailangan namin, alagang-alaga kami ng GMA 7, maraming salamat sa tiwala at pagmamahal na ibinibigay nila sa amin,” pagtatapos ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending