Ikalawang panalo sa 2nd round asam ng Foton kontra Petron | Bandera

Ikalawang panalo sa 2nd round asam ng Foton kontra Petron

Angelito Oredo - July 30, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2:30 p.m. Amy’s vs Generika
4:30 p.m. Cignal vs Standard Insurance-Navy
6:30 p.m. Petron vs Foton
Team Standings: Group A: F2 Logistics (2-0); Foton (1-0); Petron (0-1); RC Cola-Army (0-2) Group B: Standard Insurance-Navy (1-0); Generika (1-0); Cignal (1-1); Amy’s 0-2

IUWI ang importanteng panalo ang hangad ngayon ng Foton Tornadoes sa pagsagupa nito sa mapanganib na Petron Tri-Activ sa krusyal na ikalawang round ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Una munang magsasagupa sa classificiation round ganap na alas-2:30 ng hapon ang Amy’s at Generika na agad na susundan ng salpukan sa pagitan ng Cignal at Standard Insurance-Navy sa alas-4:30 ng hapon. Ikatlo at huling sagupaan ang Petron kontra Foton dakong alas-6:30 ng gabi.

Hindi lamang target ng Foton ang makisalo sa liderato sa pahingang F2 Logistics kundi pati na paglapit pa lalo sa hinahangad nitong pagtuntong sa semifinals na magbibitbit dito para sa pinakaaasam nitong ikalawang pagsagupa para sa korona matapos na huling tanghaling kampeon noong 2015 Grand Prix.

Sasandigan ng Foton ang maigting nitong limang set na panalo kontra sa RC Cola-Army noong Huwebes, 18-25, 25-15, 25-17, 23-25, 15-9, upang pilit na mawalis ang huling dalawa nitong laro kontra Petron at F2 Logistics at makamit ang unang silya sa Group A.

Sasagupain ng top team ang ookupa sa ikaapat na puwesto habang ang ookupa sa ikalawang puwesto ay haharap sa ikatlong silya sa sudden-death semifinals. Ang dalawang magwawagi ay maghaharap sa best-of-three finals na inaasahang magaganap sa Agosto 11.

“It’s still a very long way to go,” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon, na gigiyahan din ang Tornadoes sa mas mataas na labanan para sa prestihiyo sa 2016 AVC Asian Women’s Club Championship simula Setyembre 3 hanggang 11 sa Alonte Sports Center sa Biñan City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending