Perpetual Help Altas nakalusot sa Lyceum Pirates
Mga Laro sa Lunes
(The Arena)
11 a.m. Arellano vs San Beda (jrs)
12:45 p.m. Perpetual Help vs Lyceum (jrs)
4 p.m. San Sebastian vs JRU (jrs)
Team Standings: San Beda (7-0); Mapua (5-2); Letran (5-2); Perpetual Help (5-2); Arellano (5-2); Lyceum (3-4); JRU (2-4); EAC (2-5); San Sebastian (1-6); St. Benilde (0-7)
INIHULOG ni Bright Akhuetie ang 10 sa kanyang kabuuang 13 puntos sa ikaapat na yugto upang tulungan si Gab Dagangon na itulak ang University of Perpetual Help sa 71-68 panalo kontra Lyceum of the Philippines University sa 92nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nalimitahan lamang sa tatlong puntos sa ikalawang yugto, ibinuhos ni Akhuetie ang kanyang 10 puntos sa kabuuang 17 ng Perpetual sa ikaapat na yugto upang isalba ang koponan sa bingit ng kabiguan at makisalo sa apat na koponang nasa ikalawang puwesto tangan ang 5-2 panalo-talong kartada kasama ang Mapua, defending champion Letran at Arellano University na galing sa 70-59 pagwawagi sa College of St. Benilde.
Dinomina ng Pirates ang halos buong laro kung saan huli pa nitong nahawakan ang bentahe sa 55-54 iskor pagpasok sa ikaapat na yugto bago na lamang ang napapanahon na pagbalikwas ng Altas na sinandigan sina Dagangon na may team-high 16 puntos habang may tig-10 puntos sina Prince Eze at Keith Pido.
Nahulog ang Lyceum sa ikaanim na puwesto sa bitbit na 3-4 panalo-talong kartada.
Samantala, nagwagi naman ang Emilio Aguinaldo College kontra San Sebastian College, 73-67, sa unang laro kahapon.
Napaganda ng EAC Generals ang kanilang karta sa 2-5 habang nahulog ang SSC Stags sa 1-6 karta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.