Magang-maga ang mata nang dumating sa show
Si Sarah Geronimo ba ang tinutukoy sa isang blind item na nagsasabing gusto niyang magreklamo sa damit na kanyang suot sa isang event pero hindi niya magawa dahil iyon ang gusto ng kanyang mother dear?
Lumabas sa isang website ang kuwento ng isang masunuring bata na kasama sa isang event.
Mugtung-mugto raw ang mata nito when she joined fellow celebrities sa isang table.
When asked kung may problema siya, ngiti lang and isinagot ng dalaga.
Pero nang merong magtanong na isang close sa young celebrity ay napilitan itong magsabi ng totoo.
Inamin ng young star na hindi niya feel ang damit na kanyang suot-suot noong gabing iyon.
Actually, wala siyang magawa dahil iyon ang gustong ipasuot sa kanya ng isang mas matanda sa kanya na kanyang inirerespeto.Iisa lang ang naisip naming celebrity na tinutukoy sa blind item sa isang website – si Sarah Geronimo lamang.
Siya lang naman kasi ang may image na super obedient sa kanyang mga magulang.
Actually, kung siya nga ito, we pity her.
Imagine, pati sa pagdedesisyon sa kanyang pananamit ay pinakikialaman pa siya.
Poor Sarah, she has to follow everything that is requested of her ng kanyang pamilya.
Kailan nga kaya siya magkakaroon ng sariling desisyon?
Kailan kaya siya magkakaroon sa say sa buhay niya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.