Racal Tile Masters tatangkaing manatili sa itaas | Bandera

Racal Tile Masters tatangkaing manatili sa itaas

Angelito Oredo - July 28, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. AMA Online Education vs Café France
6 p.m. Racal vs Tanduay
Team Standings: Racal  (8-2); Café France (7-2); Phoenix (7-3); Tanduay (7-3); AMA (3-5); Blustar (2-9); Topstar ZC Mindanao (0-10)

MANATILI sa ituktok ang hangarin ngayon ng Racal Tile Masters na surpresang inokupahan ang liderato ng ginaganap na 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Kaya naman tatangkain ng Tile Masters na pigain ang kanilang mga karibal umpisa na sa pakikipagharap nito sa Tanduay Rhum Masters sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dito mismo nakatuon si Racal coach Caloy Garcia kahit na galing ang kanyang koponan sa 90-88 panalo kontra sa Phoenix Accelerators kung saan sinandigan nito si Philip Paniamogan na inihulog ang game-winning triple.

“Tanduay’s win over Café France put everyone on the same place, so everybody still has a chance to be 1 or 2,” sabi ni Garcia. “But if we win one of the next two games, I believe may chance pa rin naman kami sa top two.”

Sakaling manalo ang Tile Masters ay mapapatalsik ang Rhum Masters sa mahigpit na labanan para sa top two spots na siyang nakataya sa paghaharap ng dalawang koponan ganap na alas-6 ng gabi.

Alam din ni Tanduay coach Lawrence Chongson ang magaganap kaya naman kahit galing ito sa apat na sunod na panalo ay nahaharap ito sa pinakamatinding pagsubok.

“It gets tougher. Markado na rin nila kami with our new acquisition,” sabi ni Chongson patungkol kay Kevin Ferrer na tumulong sa Tanduay sa huli nitong laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending