Showbiz personalities sangkot sa shabu | Bandera

Showbiz personalities sangkot sa shabu

Ramon Tulfo - July 28, 2016 - 12:10 AM

ANG puspusang kampanya laban sa droga ay walang sinasanto nang napatay ng kanyang mga kasamahan si Quezon City police Senior Insp. Ramon G. Castillo.

Si Castillo ay nahuling nagre-recycle ng droga nahuli niya at nanlaban nang siya’y makorner ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang pagkakapatay kay Castillo ay nagbigay ng mensahe sa mga tiwaling pulis na maaaring sila na ang susunod.

Sana’y marami pang masamang pulis ang masakote ng administrasyon ni Presidente Digong Duterte.

Sariwa pa sa aking isipan ang pagpunta ng isang babae kasama ang kanyang anak na teenager sa akin noong nakaraang taon at inireklamo ang kanyang live-in partner na si PO2 Miguel Cordero Jr.

Si Cordero, sabi ng babae, ay lulong na lulong sa shabu.

Tinangkang sunugin ni Cordero, na noon ay miyembro ng QCPD anti-illegal drugs division, ang bahay nila sa Pasig City dahil siya’y lango sa binagbabawal na gamot.

Nag-Awol (absent without official leave) si Cordero mula noon.

Ang kanyang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya, sa pamamagitan ng tulong ng “Isumbong mo kay Tulfo” ay nakabinbin sa Pasig Regional Trial Court.

Ano ang pinahihiwatig ko rito? Na maraming pulis ay addict o sangkot sa illegal drugs trade.

Magiging mas dramatic o makabuluhan ang kampanya laban sa droga kapag ilang mga politicians, miyembro ng media o showbiz, mga miyembro ng clergy at mga piskal ay mailantad sa publiko.

Magiging masaya ang mamamayan kapag sinapit ng mga salot sa lipunan na ito ang nangyari kay police Capt. Castillo.

Ang pagkakasangkot ng ilang politicians, members of showbiz, pari at piskal ay nasabi sa akin ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa , chief ng Philippine National Police o PNP.

Pero ang pagkakasangkot ng dalawang media personalities ay nasabi sa akin ng isang magulang na naging addict ang kanyang anak dahil sa mga ito.

Dinobol-check ko sa mga awtoridad ang dalawa at positive daw sila for drug dealing.

Ang dalawa ay mga tanyag na personalidad: ang isa ay society page columnist at yung isa naman TV personality.

Both are co-owners of a bar for young people at the Bonifacio Global City in Taguig.

Kailangang mapatigil ang dalawa dahil marami na silang nabiktimang mga estudyante.

Binibenta nila ang shabu at Ecstasy, a drug that enhances the sex drive, sa pamamagitan ng mga pushers sa loob ng bar.

Kapag nilantad sa publiko ang dalawang ito, masahol pa na sinalvage sila.

Btw (by the way), a top executive of a TV network is hooked on cocaine, the narcotics of rich people, according to a reporter of the network.

Niyayaya raw ni TV executive ang ilang talents ng network sa kanyang penthouse at doon ay nagpa-pot session ng cocaine.

Alam mo na kung anong nangyayari kapag sila’y lango na sa cocaine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano makapagsermon ang mga komentarista ng network na ito kung ang isa sa kanilang mga opisyal ay isang drug user?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending