SONA ni Duterte tinutukan ng madlang pipol; ABS-CBN coverage winner sa rating | Bandera

SONA ni Duterte tinutukan ng madlang pipol; ABS-CBN coverage winner sa rating

Ervin Santiago - July 28, 2016 - 12:05 AM

pres rodrigo duterte

SA TV man o online, mas pinagkatiwalaan ng mas maraming Pilipino ang komprehensibo at malawakang pagbabalita ng ABS-CBN sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Lunes.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ng 21.5% national TV rating ang Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 special coverage ng pinakamalaking news organization sa bansa kumpara sa ibang TV networks.

Nanguna rin ang flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol sa rating na 32.2%. Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos.

Bilang patunay sa patuloy na paglawak ng impluwensiya ng kumpanya lalo na sa digital, pinakamaraming views din ang live na pagpapalabas ng SONA sa Facebook ng ABS-CBN News na nakapagtala ng 1.7 million views.

Samantala, 7.6 million pageviews naman ang website ng ABS-CBN News na news.abs-cbn.com noong Hulyo 25. Ang mga video naman patungkol sa SONA ay umani ng 1.4 million views sa YouTube, kung saan higit 200,000 rin ang nanood ng kabuuan ng SONA.

Ang pinakamalaking news organization sa bansa ay nakapaghandog ng coverage sa tulong ng mga batikang anchors at broadcast journalist kaakibat ang sabay-sabay na pag-ere ng SONA ni Pangulong Duterte sa free TV, cable TV sa tulong ng ANC, ang ABS-CBN News Channel, DZMM TeleRadyo, pati sa radio sa tulong ng DZMM Radyo Patrol 630 at online sa pamamagitan ng news.abs-cbn.com, kung san may livestreaming din.

Marami ring netizen ang nakisama at nagbigay ng kani-kanilang boses sa mga diskusyon lalo na sa Twitter, kung saan ginamit nila ang hashtag na #Du30SONA2016.

Ilan sa mga ito ay nagsabing very positive ang pananaw nila para sa Pilipinas matapos ang mahigit isang oras na speech ni Duterte sa kauna-unahan niyang SONA bilang pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending