'Hindi kaipokrituhan ang pagpapasalamat ni Alden sa press!' | Bandera

‘Hindi kaipokrituhan ang pagpapasalamat ni Alden sa press!’

Cristy Fermin - July 28, 2016 - 12:05 AM

alden richards

NAKOW! Siguradong bubula na naman ang bibig ng ibang mga tagasuporta ni Maine Mendoza dahil sa ibinigay na thanksgiving party ni Alden Richards sa mga press people.

Ang ikukuda na naman ng mga ito ay inilaglag ng Pambansang Bae si Yaya Dub, nagsolo na naman siya, para lang gumanda ang kanyang imahe sa mga manunulat. Sorry, matagal nang maganda ang pakikitungo ni Alden sa mga reporters, panahon lang talaga ang kulang sa kanya kaya nga- yon lang natupad ang matagal na niyang kagustuhang makapagpasalamat sa mga reporters sa napakagandang kapalarang meron siya ngayon.

Nakakuwentuhan namin ang ilang kasama sa panulat na dumalo sa thanksgiving party ni Alden, napaka-humble daw ng guwapong aktor, puro pasasalamat lang ang maririnig sa kanya. Ganu’n naman talaga dapat ang maging ugali ng mga personalidad na nabibiyayaan ng mga suwerte, nagbibilang dapat sila ng blessings, hindi ‘yung kung anu-anong salita pa ang binibitiwan laban sa industriyang pinagkakakitaan nila.

Ang pasasalamat at panahon na iniukol ni Alden Richards sa mga reporters na naging bahagi at parte pa rin ng kanyang tagumpay ngayon ay kasalu-saludo. Hindi ‘yun kaipokrituhan, lalong hindi ‘yun pagpapalapad ng papel para lang maging mas maganda ang kanyang dating at imahe, ‘yun ang kanaturalan ni Alden Richards na kaila- ngang kapulutan ng aral ng iba diyan.

Bukal sa puso ang pasasalamat na itinawid niya sa mga manunulat. Totoo ang sinabi ni Alden Richards na magkatuwang ang mga artista at ang mga reporters sa pag-abot sa pangarap ng mga personalidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending