Jason: Wala nang MelaSon...iyak ako nang iyak! | Bandera

Jason: Wala nang MelaSon…iyak ako nang iyak!

Ervin Santiago |July 28,2016
facebook
share this

Jason: Wala nang MelaSon…iyak ako nang iyak!

Ervin Santiago - July 28, 2016 - 12:01 AM

melai cantiveros at jason francisco

NA-SAD naman ako sa nabasa ko sa Facebook regarding the separation of Melai Cantiveros and Jason Francisco. Isinalaysay ng comedian ang dahilan kung bakit sila naghiwalay na nang tuluyan ni Melai – ang babaeng pinakasalan niya noong Dec. 9, 2013 sa GenSan. Nabiyayaan sila ng beautiful daughter Amelia Lucille na 2 years old na ngayon.

Nagsimula ang kanilang gusot nu’ng ginawa ni Melai ang series na We Will Survive with Pokwang dahil ang na- ging kasunduan nila ay walang magiging partner si Melai na lalaki aside from the pilot episode kung saan ay mabubuntis ang komedyana at doon na iikot ang istorya.

Inamin ni Jason na OA siya magmahal, na sob-rang seloso siya. Kahit artista na siya ay hindi pa rin niya ma-embrace ang pagiging showbiz kaya iyak daw siya nang iyak sa kabilang kuwarto kung saan siya natutulog dahil madalas na raw silang magtalo na mag-asawa. Ilang beses daw nilang ipinakiusap sa production ng We Will Survive na ibalik sa dating istorya ang role ni Melai, yung walang male partner pero hindi raw ito ginawa ng production. Kaya they decided na maghiwalay na lang dahil palala na nang palala ang kanilang away.

I would like to understand where Jason is coming from pero you know, mahirap naman i-assure ang request niya – not because they are not as big as Sharon Cuneta, John Lloyd Cruz, Kris Aquino, pero hindi naman puwedeng i-compromise ng production ang takbo ng istorya dahil sa kahilingan niyang walang magiging ka-partner ang kanyang asawa. For reel lang naman i- yon eh, hindi naman sa totoong buhay.

Dapat ay matuto si Jason na tanggapin ang mundo ng showbiz na pinagkakakitaan nila. Unless Melai flirts or is having an affair with her partner, ibang usapan na iyon. Pero in fairness din naman kay Melai, mula nang mag-asawa sila, wala naman akong nababalitaang may kinalantari itong ibang lalaki. Naging faithful din siya sa asawa.

May ganyan talagang mga tao, sobrang seloso at aminado naman diyan si Jason. I’m sure nabuwisit na lang din si Melai sa pagiging sobrang possessive ng asawa. Ayan tuloy, hiwalay na sila and we just hope for the best. Na sana’y magkaayos pa sila, na sana’y lalong lumawak pa ang isipan ni Jason para matanggap ang mga demands ng work nila – na magtiwala lang sa asawa dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon.

Mabuti nga sila may mga projects, napakaraming mga artista riyan ang walang shows. Kaya lang, ganoon talaga eh, sobrang haba kasi ng hair nitong si Melai kaya panay ang selos ni Jason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending