Agawan sa minority leadership tuloy | Bandera

Agawan sa minority leadership tuloy

Leifbilly Begas - July 27, 2016 - 03:00 PM
house of rep Patuloy ang pag-aagawan ng dalawang grupo sa Kamara de Representantes na parehong nais na makuha ang House minority leadership.      Kahapon, nagpatawag ng pagpupulong si Quezon Rep. Danilo Suarez sa mga kongresista na hindi bumoto kay Speaker Pantaleon Alvarez upang maghalal sila ng House minority leader.      Tinawag naman itong peke ng grupo ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, na nakakuha ng walong boto, ang ipinatawag na pagpupulong ni Suarez, na may pitong boto lamang.     Kasama sa pagpupulong kahapon ang mga kongresista na nag-abstain sa speakership elections.       Sa bilangan kahapon ay nakuha ni Suarez ang 22 sa 25 kongresista na dumalo sa meeting sa South Wing Annex building. Ang tatlo ay nag-abstain — sina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, AAMBIS OWA Rep Sharon Garin at Isabela Rep. Ma. Lourdes Aggabao.      Si Suarez ay miyembro ng United Nationalist Alliance, ang partido ni dating Vice President Jejomar Binay.      Sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, kaalyado ni Baguilat, na pinanghimasukan ng mayorya ang minorya at nagpahiram umano ng mga kaalyado upang iupo Suarez.       “The tradition in the House is that the clear runner-up in the contest for Speaker becomes the minority leader and this is Rep. Baguilat, Jr. who garnered 8 votes over Rep. Suarez who got only 7 votes, after the runaway winner, Speaker Alvarez, who had 252 votes,” ani Lagman.      Sinabi naman ni Caloocan Rep. Edgar Erice, isa sa mga bumoto kay Baguilat, na kukuwestynin nila sa Korte Suprema kung kikilalanin ng majority bloc si Suarez bilang minority leader.      “I think its an obligation on our part to question in the Supreme court etong nangyaring ito,” ani Erice.      Ayon naman kay Baguilat mananatili silang ‘konsenya’ sa Kamara de Representantes na magbabantay sa mga ginagawa ng administrasyon. 30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending