Lalagasin ko ang buhok mo kasama si CHARICE! | Bandera

Lalagasin ko ang buhok mo kasama si CHARICE!

|March 15,2013
facebook
share this

Lalagasin ko ang buhok mo kasama si CHARICE!

- March 15, 2013 - 06:14 PM

charice and momNanggagalaiti sa galit si Mommy Raquel, nagbanta sa Facebook…  
Tinawag na linta ang mga taong nakapaligid sa anak

GALIT na galit si Raquel Pempengco sa kanyang anak na si Charice at sa mga taong nakapaligid dito.

Sa kanyang Facebook account na ipinost ng isang website ay raging with anger ang madir ng international singer to the point na binalaan niya ang isang Jamie Anne Peters na ‘wag na ‘wag magpapakita sa kanya or else.

“Huwag niong hahayaang mag krus ang mga landas natin Jamie Anne Peters dahil ngayong pinuno nio ko lalagasin ko yang buhok mo kasama si CHARICE!!!!

Kung yan ang paraan para magising sa bangungot ng mga kasinungalingang nanggagaling sa mga PESTENG MGA LINTA!!!” walang takot na tili ni Raquel sa kanyang Facebook.Kasunod niyon ay ang paglabas niya ng kanyang sentimyento sa kanyang mga anak, “Sobrang sakit ng naramdaman ko.

Bakit di nyo ko maintindihan?

Meron pa ba akong pagkukulang sa inyo?

Ginawa ko naman ang lahat para magampanan ang tungkulin  ng isang ina at ama sa inyo.

Akala ko hindi nio pasasamain ang loob ko kasi nakita nio naman ang paghihirap ko noong bata pa kayo.

“Akala ko kayo ang magiging gabay ko pag malabo na ang mata ko.

Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya kayo.

Ang gabi ginawa kong araw noon para mabigyan ko kayo ng inyong pangangailangan.

Natatandaan nio pa ba na bawat hindi ko pagkain tinitiis ko para lang maipasalubong ko sa inyo?

“Na kahit pagod na pagod ako ang  makita lang kayo paguwe ko ay masaya na ako.

Ginawa ko lahat yun kasi mahal na mahal ko kayo.

Isa lang ang pangarap ko sa inyo ang makita bago ako mamamatay na nasa ayos kayo, bakit hindi nyo ako maintindihan Ming at Asiong Carl….???

Mahal na mahal ko naman kayo, sana maramdaman nio yun,” sabi pa ni Raquel.

She even dropped hints na merong kinahuhumalingang isang bagay si Charice, “Ok sana kung ordinaryo lang at hindi kilala walang pakielam ang mga tao pero kahit ordinaryo lang mga anak natin nasasaktan pa rin tayo kahit ituloy pa ang buhay ng without our children, kung nakikita mo ang anak mo naghihirap nalilihis ng landas apektado pa rin tayo.

Kahit na aliwin pa natin ang sarili natin maiisip at maiisip natin kc karugtong ng buhay nila ang buhay natin.”

Sinisisi ni Raquel ang mga nakapaligid kay Charice sa mga pagbabago nito, “Kc nga yung mga nakapaligid sa kanya eh puro may mga hidden agenda na  akala mo marurunong na nagsabi na move on na daw, yan ang mga walang alam at walang pakiramdam.

Basta lahat ng nakapaligid ngayon yang mga canser  na unti-unting lumalason sa katinuan ng tao….lahat sila mga peste,” litanya ni Raquel.

Teka, si Raquel nga kaya ang nag-post ng mga messages na ‘yan?

Bakit ganoon na lang ang galit niya sa kanyang dyunakis?

Ano ang nagawa ni Charice para tilian niya sa Facebook? Can Raquel explain her side on the issue.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Editor’s note: Tinangka naming kunin ang reaksiyon ni Charice tungkol dito, pero wala pa kaming nakukuhang sagot. Bukas ang pahinang ito para sa paliwang ng  singer.)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending