SC pinahinto ang curfew sa Maynila, QC, at Navotas
PINAHINTO pansamantala ng Korte Suprema ang implementasyon ng ordinansa sa curfew para sa mga menor-de-edad sa Maynila, Quezon City (QC) at Navotas.
Kasabay nito, inatasan ng Kataastaasang Hukuman ang
tatlong lokal na pamahalaan na magkomento kaugnay ng petisyong inihain ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK).
Sa petisyon ng SPARK, sinabing paglabag ang ordinansa ng Maynila sa Republic Act No. 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act.
Iginiit ng SPARK na paglabag ang curfew sa karapatan ng mga menor-de-edad sa kalayaan at karapatan na makabiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.