Mahirap na nga, wala pang modo | Bandera

Mahirap na nga, wala pang modo

Ramon Tulfo - July 26, 2016 - 12:10 AM

WALANG nakakaiyak na parte sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong, taliwas sa sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar.

Baka naman noong binasa ni Andanar ang script ng speech ay nakakaiyak nga, pero binago ito ni Mano Digong.

Sinabi rin ni Andanar na makailang ulit na sinulat at binago ng Pangulo ang talumpati na kanyang ide-deliver sa joint session ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Anyway, inulit ni Mano Digong ang kanyang sinasabi na dapat ay hindi kaawaan ang mga drug lords, pushers at dealers.

Parang pinatamaan niya ang isang major newspaper na nagpalabas ng litrato ng isang babae na iniiyakan ang kanyang live-in partner na suspected drug pushers na binaril at napatay ng ilang gunmen sa Pasay City .

Parang nakakaawa ang tagpong yun na nasa front page ng isang major newspaper.

Sa mga bleeding hearts at human rights advocates, nakakaawa ang napatay na suspected drug pusher at ang umiiyak na kanyang kabiyak.

Pero sa kampanya laban sa droga dapat ay hindi bigyan ng puwang ang mga masasamang-loob.

Gaya ng sinabi ng yumaong Lee Kuan Yew, ang ama ng Singapore :

“In criminal law legislation, our priority is the well-being of law-abiding citizens rather than the rights of the criminal to be protected from incriminating evidence.”

Dapat unahin ang pangangalaga sa karapatan ng mga taong sumusunod sa batas bago isipin ang karapatang pantao ng mga salarin.

Isasauli ni Pilipinas bago matapos ang buwan ang $15 million na kasama sa $81 million na ninakaw sa foreign reserves ng Bangladesh central sa pamamagitan ng cybertheft at ni-laundered sa bansa.

Ipinangako ni Pangulong Digong na sisikapin niyang maisauli ang lahat ng perang ninakaw, ani Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes.

Dapat ay kausapin ni Mano Digong ang Philrem na isauli ang $17 million na nasa kompanya pero itinatanggi nito na wala na sa kanila.

Sinabi ng isang reliable source na nasa Philrem pa rin ang $17 million.

Ang mga may-ari ng Philrem ay nasangkot sa isang anomalya tungkol sa pera sa Philippine National Police (PNP) noong panahon ni Director General Alan Purisima.

Puwede ring kausapin ng Presidente ang Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na isauli ang natitirang pera sa Bangladesh .

Dapat pilitin ni Mano Digong ang RCBC na isauli ang lahat ng pera upang mapangalagaan ang integridad ng bansa dahil ang Bangladesh ay mas mahirap pa sa Pilipinas.

Pero bago pilitin ni Mano Digong ang RCBC na isauli ang pera sa Bangladesh , papurihan niya ang junket operator na si Kim Wong sa pagsauli niya ng $15 million.

Sinabi ni Wong na ang halaga ay binayad lang sa kanya ng kanyang mga kliyenteng Intsik na taga China na mga high-stakes players sa mga local casinos.

Hindi pa nagpapasalamat ang Bangladesh government kay Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahirap na nga na bansa itong Bangladesh , wala pa itong modo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending