Piolo pumayag nang gumawa ng pelikula sa Regal, makakatambal si Yen Santos
HINDI maitago ni Mother Lily Monteverde ang kasiyahan sa presscon ng bago niyang pelikulang “That Thing Called Tanga Na,” kumikita kasi ngayon ang lahat ng mga pelikula ng Regal Films kaya naman panay ang pasalamat niya sa mga tulong na ibinibigay sa mga pelikula nila tulad nitong huli na “I Love You To Death” nina Enchong Dee at Kiray Celis.
Kaya naman nagsabi ulit siya sa amin na suportahan ang pelikulang “That Thing Called Tanga Na” nina Angeline Quinto, Mart Escudero, Kean Cipriano, Billy Crawford at Eric Quizon, sa direksyon ni Joel Lamangan.
“Tulungan mo pelikula ko ha”, sambit sa amin ng lady producer na maganda ang mood nu’ng gabing yun. At kaya pala masaya si Mother ay dahil gagawa ng pelikula si Piolo Pascual sa Regal Entertainmment kasosyo ang Star Cinema at ang sarili nilang production na Spring Films.
Hindi pa nakuwento sa amin ang concept ng pelikula pero refreshing daw ito at kukunan pa sa New Zealand. Si Yen Santos ang magiging leading lady ni Piolo rito sa direksiyon ni Dondon Santos. Kung walang magiging problema ay sa Agosto na ang alis ng grupo papuntang New Zealand kung saan kinunan din ang “Lord Of The Rings.”
Samantala, dalawa ang naisip na titulo ng pelikula nina PJ at Yen, ang “Once In A Lifetime” or “Northern Lights” pero mas gusto ni Mother Lily ang una. Sayang nga at hindi nakasama si Mother Lily sa meeting kamakailan para makita si Piolo dahil ang anak niyang si Roselle Monteverde-Teo at si direk Manny Valera lang ang humarap sa Spring Films producer na kinabibila-ngan din nina direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo with direk Dondon.
Going back to “That Thing Called Tanga Na”, pi-nuri naman ni Mother Lily ang akting ni Angeline sa movie at dahil natuwa siya sa dalaga kaya binigyan niya ulit ito ng isa pang pelikula na sinu-shoot na ngayon, ang “Never Been Kissed, Never Been Touched” opposite Jake Cuenca sa direksiyon pa rin ni Joel Lama-ngan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.