Bashers nilagyan ng malisya ang viral photo nina Piolo at Iñigo, mahalay daw
NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang nag-viral na litrato ng mag-amang Piolo at Inigo Pascual kung saan makikita silang magkatabi sa kama at magkayakap.
Ayon sa ilang nakakita ng kumalat na photo na ipinost ng personal assistant ni Piolo sa Instagram, hindi ito magandang tingnan kahit pa alam ng mga nakakakilala sa kanila na magtatay sila. Kung hindi mo raw kasi kilala aakalain mong magdyowa ang dalawa.
Sabi ng isang netizen, “Ano ba yang si Piolo! OK lang siguro kung silang dalawa lang pero ang ipost pa yan sa social media, OA na! Ano bang gusto nyang patunayan? Na super close sila ng anak niya? He’s just inviting people to think otherwise!”
Sey naman ng isang beki, “Kahit saan ko tingnan ang picture, nahahalayan ako! Kelangan pa ba yan? So super close sila? So ano naman? Inilagay lang niya si Inigo sa kahihiyan. Anong napala nila? Isip isip din kasi pag may time!”
Meron din namang nagtanggol sa mag-ama at nagsabing karapatan nila kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Chika ng isang maka-Piolo, “Paki nyo! Inaano ba kayo ng magtatay? Porke ba magkatabi at magkayakap bastos na! Kayo ang ma-dumi utak! Magsimba kayo at magkumpisal para malinis mga kaluluwa nyo!”
Sa isang panayam kay Piolo, inaasahan na raw niya na may mga mamba-bash sa kanila ng anak kapag nakita ang picture nilang mag-ama sa ganu’ng posisyon. Aniya, ganu’n daw ang nature ng ibang tao – mapanghusga at mapagduda.
Paliwanag ni PJ, matagal silang hindi nagkasama ng anak kaya na-miss nila ang isa’t isa. Ito yung eksenang sinasabi ni Piolo na pag-uwi niya galing Europe ay nadatnan niya sa kanyang bahay si Inigo para sorpresahin siya.
Dialogue pa raw ng aktor, “Ganoon kami ka-affectionate sa isa’t isa so mainggit na lang sila.” Dagdag pa ng tatay ni Inigo marami raw mas mahalagang bagay sa mundo kesa pumatol sa bashers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.