SHARON feel na feel pang magbuntis, pero parang ayaw na raw ni SEN. KIKO
Pagkatapos mag-ampon ng baby boy, may isa pa siyang wish
KUNG si Megastar Sharon Cuneta raw ang masusunod, gusto pa nitong magkaanak uli ng isa – feel daw nitong mabuntis uli at hindi basta mag-aampon lang ng bata.
Ito ang ibinuking kahapon ni Sen. Kiko Pangilinan sa morning show na Kris TV sa ABS-CBN, sila ni Richard Gomez ang special guests ni Kris Aquino.
Ayon sa senador, type na type pang dagdagan ni Mega ang kanilang apat na anak (KC Concepcion, Frankie, Miel and Miguel), kung pwede pa raw ay gusto uli nitong magdalang-tao.
Pero ayon kay Sen. Kiko, okay lang naman daw na mabuntis uli ang kanyang asawa, pero aniya, kung siya ang tatanungin mas feel niyang mag-focus na lang sa apat nilang anak.
Mahirap din daw kasi ‘yung marami, baka raw mahati pa ‘yung atensiyon nila, “Kasi ako talagang equal ang tingin ko sa lahat ng mga anak namin ni Sharon.
Kapag out of the country nga ako, I make sure na lahat sila may pasalubong. Kailangan equal din ‘yun,” kuwento pa ng mister ni Megastar.Speaking of Kris TV, nagpasalamat naman nang bonggang-bongga si Kris sa pagkapanalo niya sa nakaraang 19th USTv Student’s Choice Awards bilang Best Talk Variety Show Host para kanyang morning show.
“Super touching ito, naaliw ako.
Thank you so much for this, nakakatuwa kasi parang it’s a big honor na I was told 46,000 of the students had to vote, na online talaga.
Thank you to them kasi I heard that this is the first year na hindi lang ang mga students ang nag-vote, may sey din ang mga rectors at mga pari so pumasa ako sa mga pari,” tuwang-tuwang chika pa ni Tetay.
“Ang sarap ng feeling but this really matters a lot because we have such a young population.
Ang bata-bata ng Pilipinas and the fact na halos lahat college age sila di ba?
Nagsimula silang manood ng TV may daily show na ako kasi it’s going on 18 years already kaya natutuwa talaga ako kasi I am still relevant, pinapanood pa nila ako and natuwa ako sa sinabi na values because you know how to respect other people.
Natuwa talaga ako na yes, may maturity na,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.