Billy bantay-sarado ng kapatid ni Coleen sa Surigao, walang kawala | Bandera

Billy bantay-sarado ng kapatid ni Coleen sa Surigao, walang kawala

Julie Bonifacio - July 23, 2016 - 12:01 AM

coleen garcia at billy crawford

KAUSAP ni Billy Crawford sa telepono ang girlfriend na si Coleen Garcia habang naghahanda papunta ng airport pabalik ng Manila when we saw him sa LCA Resort. Kasama ni Billy sa Surigao del Sur ang younger brother ni Coleen.

Isinama at binayaran ni Billy ang pamasahe sa eroplano ng kapatid ni Coleen. Hindi naman siguro pinasama ni Coleen ang brother niya para bantayan si Billy since they trust each other a lot. Pero malay natin, baka gusto lang makasiguro ng dalaga. Say ni Billy sa amin nasa taping ng Maalaala Mo Kaya si Coleen noong kausap niya. Ang episode na ito ay ang kauna-unahan ni Coleen na ipalalabas ngayong gabi.

Gagampanan ng aktres dito ang isang babaeng naging adik sa alak at nagkaroon ng sakit sa pag-iisip. Si Pauleen (Coleen) ay anak sa labas ni Bernard (Joey Marquez). Dahil sa hirap ng buhay, napagdesisyunan ng ama na ipaampon siya sa kaniyang malayong kamag-anak na si Loling (Loli Marra).

Magpapatuloy ang buhay ni Bernard hanggang sa tuluyan niya nang naayos ang kaniyang relasyon sa kaniyang asawang si Melda (Alma Moreno). Sila ay muling nagsama at nagkaroon pa mga anak. Kasama rin dito sina Jerry O’hara, Kristel Fulgar, Nikki Bagaporo, Amy Nobleza, Brace Arquiza at Gilleth Sandico, under the direction of Elfren Vibar. Tonight na yan sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending