'Hermano Puli' ni Aljur napiling closing film sa Cinemalaya 2016 | Bandera

‘Hermano Puli’ ni Aljur napiling closing film sa Cinemalaya 2016

Jun Nardo - July 22, 2016 - 12:45 AM

ALJUR ABRENICA

ALJUR ABRENICA

HIWALAY muna sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica ngayong ending na ng GMA series nilang Once Again. Nabuo ang friendship nilang dalawa habang ginagawa ang nasabing drama series ng GMA.

Nagsilbing inspirasyon sa Kapuso actor ang mga nakasama niyang artista bukod kay Janine.

“Sa mga co-stars ko, I am grateful kasi may kanya-kanya tayong lakad sa buhay at kahit paano ay nabahaginan nila ako ng kuwento ng kanilang buhay, mula sa mga struggle at success nila. Kaya naman may natutunan ako sa mga experiences nila,” pahayag ni Aljur.

Habang wala pang bagong programa, tutok muna si Aljur sa movie niyang “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli.” Ito kasi ang napiling closing film sa 2016 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa August 13, sa Nicador Abelardo Hall ng Cultural Center of the Philippines.

Mula sa direksyon ni Gil Portes at T-Rex Entertainment, magkakaroon ng nationwide campus tour of forum tungkol sa kabayanihan, ang Bayani Ba ‘To, upang maibahagi ang mensaheng nais ipahatid ng pelikula. Nagsimula ito sa Angeles University Foundation last July 9 at 40 colleges ang nakatakda pang pasyalan hanggang mid-September in time sa showing nito.

Kasama ni Aljur sa cast ng “Hermano Puli” ang natsismis sa kanyang si Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Kiko Matos, Vin Abrenica at isa pa niyang kapatid na si Allen Abrenica.

Sa “Hermano Puli” idineklara ni direk Gil Portes na, “An actor is born!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending