Sikat na aktor gamit na gamit ang anak
MAY duda ang isang grupo ng mga taga-showbiz na hindi maayos ang komunikasyon ng dalawang personalidad na magkadugo. Magkaibang-magkaiba kasi ang kanilang mga sinasabi.
Isinasangkalan ng ama ang kanyang anak sa hindi niya pakikipagrelasyon, masyado raw kasing seloso ang kanyang anak, kaya pinagbibigyan daw niya ang hiling nito na huwag siyang makipagrelasyon nang seryosohan.
Ganu’n ang palagi niyang sinasabi, pinagtataasan ng kilay ng iba ang kanyang mga dahilan, pero meron namang nagpapalagay na baka nga ‘yun ang totoo?
Sinakyan ng iba ang mga pinagsasasabi ng kilalang aktor, pero nagdududa naman ang iba, dahil sa mga nangyayari ngayon na parang kabaligtaran ng mga ikinakatwiran ng guwapong aktor.
Kuwento ng aming source, “Di ba, ang palaging sinasabi ni ____ (pangalan ng pamoso at guwapong aktor), e, sobrang seloso raw ang anak niya? Ayaw raw niyang makipagrelasyon dahil siguradong masasaktan ang anak niya!
“Ngayon pa lang daw kasi sila bumabawi sa mga panahong nawala sa kanila, lalo na sa kanya, kaya ayaw muna niyang makipagrelasyon. Pagbibigyan daw muna niya ang request ng anak niya.
“Palaging ganu’n, palaging ang anak niya ang nakasangkalan sa hindi niya pagkakaroon ng girlfriend, ganern!” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Pero nang mainterbyu naman ang anak niya ay ibang-iba ang sagot nito, magiging masaya raw ang bagets kung magkakaroon na ng karelasyon ang kanyang ama, anyare?
“Sino ngayon ang hindi nagsasabi ng totoo sa kanilang mag-ama? Ang sinasabi ba ng kanyang tatay na selosong bagets? Feeling tuloy ng iba, e, ginagamit lang na sangkalan ni fadir ang dyunakis niya sa kaayawan niyang makipagrelasyon!
“Bradly Guevarra, nakakaloka ang mag-amang ito, di ba? Parang wala silang communication!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.