Aktor takot na takot sa mga bading, may trauma nga ba? | Bandera

Aktor takot na takot sa mga bading, may trauma nga ba?

Cristy Fermin - July 20, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MAN 0220

PINAGKUKUWENTUHAN sa isang umpukan ng mga beki nu’ng nakaraang gabi ang kasupladuhan ng isang aktor. Nakita raw nila ang guwapo pa namang aktor nu’ng minsan sa isang pampublikong lugar.

Natural, dahil kilala na siya, ay sinundan siya ng tingin ng grupo. Hindi yata ‘yun nagustuhan ng aktor, umiwas siya, halatang-halata ng tropa ng mga beki ang kangyang ginawa. Dahil hinamon sila ay hindi nagpatalo ang grupo, sinundan pa rin nila ang guwapong aktor, binuwisit talaga nila ang type pa naman sana nilang aktor na madalas na nagdadrama sa telebisyon at pelikula.

Kuwento ng aming source, “Bakit parang takot na takot siya sa bading? Meron ba siyang bad or sad experience sa mga beki, kaya ganu’n siya? “Hindi lang kasi sa tropa ng mga friends ko siya ganu’n, kahit sa ibang mga beking bumabati sa kanya, parang iwas na iwas siya. Bakit kaya, homophobic ba siya?” tanong ng aming impormante.

Nagkaroon ng karanasan sa isang beki ang nasabing aktor. Baguhan pa lang siya nu’n, isang beki ang tumulong sa kanya, hanggang sa naging magkarelasyon na sila. Isang source ang nagsabi, “Hindi siguro niya matanggap na nagkaroon na siya ng experience nu’n sa beki, kaya siya ganyan. Halatadong iwas na iwas siya, kapag binabati siya ng mga beki, parang gusto na niyang tumakbo!

“E, ano naman ang kinalaman ng mga tao sa naging karanasan niya, di ba? Ang dami-dami na niyang nakakarelasyong female personalities, ngayon pa ba naman siya matatakot sa nakaraan niya? “Bradly Guevarra, pakipangaralan mo nga ang male personality na ‘yun? Hindi type sa merkado ng mga beki ang tulad niyang parang takot na takot kapag nakakakita siya ng mga beks!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending